Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 13 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Wednesday, January 11, 2012

Tagalog News: Kooperatiba sa Bulacan, kumita ng milyon ngunit…

ni Vinson F. Concepcion

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 10 (PIA) –- Sa kabila ng balita ng pagkalugi, kumita nang mas malaki ang Bulacan Employees Credit Cooperative (BECCO) kaysa nakaraang taon ngunit iniulat na isinarado na nito ang Koopmart dahil sa hindi makolekta ng milyun-milyong pautang.

Tumabo ng P2.4 milyon ang BECCO, ang kooperatibang itinatag at pinatatakbo ng mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, mula Enero hanggang Hunyo 2011 pa lamang. Ito ay malapit na sa kabuoang P3 milyong kita nito noong 2010.

Tumaas din ang regular, salary, at emergency loan fund mula P31 milyon noong 2010 sa P36 milyon mula Enero hanggang Hunyo 2011 pa lamang.

Sa kabila nito, sinabi ni Merlinda Santiago, tagapangulo ng BECCO, na ipinasara na ang Koopmart, isang tindahan na nagbebenta ng murang mga paninda at produkto ng Bulacan, dahil hindi nito makolekta ang P5.7 milyong pautang nito.

Sinabi ni Santiago na simula 2006, karamihan sa mga pautang at “doubtful accounts” ng Koopmart sa may 800 miyembro nito ay hindi na makolekta na nagpabagsak sa tindahan.

“Kapag singilan na, wala na kaming masingil sa employees (partikular na) sa mga may malalaking utang na inabot na ng 10,000 hanggang 20,000,” ani Santiago.

Isinangla na aniya ng mga empleyadong hindi na makabayad ng utang ang kanilang automated teller machine (ATM) card sa BECCO ngunit napag-alaman na ang ilan ay may P100 lamang sa kanilang account.

“So paano mo pa masisingil ‘yan? Ibig sabihin maghihintay kami ng 100 hanggang 200 buwan para mabayaran nila ‘yan. Ang Koopmart ay hindi charity ‘di ba? Kailangan nating pangalagaan ang mga investor at miyembro,” ani Santiago.

Dahil dito, napagdesisyunan ng pamunuan ng BECCO na ipasara ang Koopmart sa kabila ng galit ng mga empleyado na bumibili sa tindahan.

Ayon pa kay Santiago, maaari pang buhayin ang tindahan gamit ang P2.4 milyon na pondo na magagamit upang isaayos ang sistema ng pangongolekta ng utang.

“Hindi natin silang matutulungan hanggat hindi tayo nakakaahon sa mga utang,” ani Santiago. (WLB/VFC-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines