Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 20 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Wednesday, January 11, 2012

Tagalog News: Pag-pahaba ng isang importanteng daanan, magpapaganda ng ekonomiya, turismo sa Bataan

ni Carlo Lorenzo J. Datu

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Enero 11 (PIA) -- Ipinasa kamakailan ng Regional Development Council (RDC) ng Gitnang Luzon ang resolusyon ng nag-e-endorso sa pagsasagawa ng feasibility study sa panukalang P238.32 milyong extension ng Enrique Garcia Sr. Avenue (EGSA) sa lungsod ng Balanga.

Sa isang pahayag, sinabi ng RDC 3 na ang pinaplanong 3.5 kilometrong EGSA extension ay inaasahang magpapabuti sa tinapa at tuyo industry ng Balanga dahil ikokonekta nito ang fish port ng lungsod sa Roman Highway na pangunahing daan sa Bataan.

Bukod dito, inaasahan ding makakatulong ito sa paglago ng bilang ng mga turistang bumibisita sa mga migratory bird watching sites na malapit sa fish port.

Base sa inisyal na plano, ang EGSA extension ay sasaklaw sa mga fishing at bird watching sites sa barangay Tuyo, Sibacan, Puerto Rivas Lote, at Puerto Rivas Ibaba.

Dagdag pa ng RDC na target gawing commercial area ang kaliwang bahagi ng daan na may mga processed fish stores, souvenir shops and restawran.

Sa kabilang banda, pananatilihin ang mga palaisdaan na nasa kanang bahagi upang mapanatili ang kapaligiran na kaakit-akit sa mga ibong dayo.

Ang RDC 3 ang pinakamataas na policy-making body sa Gitnang Luzon na nagsisilbing counterpart ng NEDA Board sa subnational level.

Kabilang sa mga miyembro nito ang lahat ng gubernador, city mayors, municipal mayors ng mga kabiserang bayan, pangulo ng mga municipal mayors league, regional directors ng mga national government agencies at mga kinatawan ng pribadong sektor. (WLB/CLJD-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines