Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 14 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Wednesday, January 11, 2012

Tagalog News: Deped hinimok ang mga mag-aaral na magpatala

ni Jojo S. Libranda

BALER, Aurora, Enero 11 (PIA) -- Maaari ng magpalista ang lahat ng papasok sa kindergarten at mag-aaral sa sekondarya, pati ang mga out-of-school youth (OSY) para sa programang edukasyon ng gobyerno, pahayag ng Department of Education (DepEd), kahapon, Martes.

Inilaan na, aniya, ang maagang pagpapatala ng out-of-school children (OSC), OSY, mga bata, at kabataang may kapansanan para sa susunod na pasukan, kasama ang mga kinder, grade 1, at ang mga papasok sa unang taon na mag-aaral sa sekondarya, wika ng Kalihim ng Edukasyon Armin A. Luistro.

Inihayag ni Luistro na ang ika-28 ng Enero 2012 ay ang maagang pagpaparehistro para sa School Year (S.Y.) 2012-2013 sa lahat ng pampublikong paaralang pang-elementarya at sekondarya sa buong bansa.

Hangarin ng maagang rehistrasyon ang abutin ang lahat ng limang taong gulang na bata upang magpalista sa kindergarten at para sa mga anim na taong gulang na magpalista para sa grade 1.

Sinabi ni Luistro na, “the state mandates that all Filipinos with or without learning disabilities must have access to education and the early registration aims to count them in (Mandato ng estado na ang lahat ng Pilipino na meron o walang kapansanan upang matuto ma mabigyan sila ng kaalamang pang-edukasyon at nilalayon ng maagang pagpapalista ang mapabilang sila),” paliwanag ng hepe ng edukasyon.

Sa taong ito, pinalawak ng DepEd ang target ng maagang rehistrasyon upang isama ang OSC at OSY, at mag-aaral na may kapansanan.

Nilalayon nito na garantiyahan ang pagpapatala ng OSCs at OSYs, mga katutubo, at mga batang palaboy sa daan na may edad na lima hanggang 18 taong gulang upang sila ay makapag-aral. Maaari silang pumili sa pagitan ng pormal na pag-aaral sa pamamagitan ng alternative delivery mode (ADM) o impormal na edukasyon sa pamamagitan ng alternative learning system (ALS).

Hiniling ni Luistro sa central, regional, at division offices ng DepEd na ihanda ang Three-Year Catch Up Plan in Basic Education mula S.Y. 2012-2013 hanggang S.Y. 2014-2015 upang mapagbigyan ang tumataas na bilang ng mag-aaral.

Sa maagang rehistrasyon, hihingin din ang pakikipagtulungan ng local government units (LGUs), barangay officials, parents-teachers associations, civil society, at ang business sector. (WLB/JSL PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines