Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 15 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Thursday, January 12, 2012

Tagalog News: Tanggapan sa Cabanatuan tiniyak na babantayan ang mga seafood na papasok dito

ni Camille Nagano

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Enero 12 (PIA) -- Pinaigting ng Cabanatuan Economic Enterprise Management Office (CEEMO) ang pagbabantay sa mga pamilihan sa lungsod bunsod ng pagkakapositibo sa red tide toxin ng ilang bahagi ng Kalapit probinsiya ng Zambales at Bataan.

Ayon kay Bobby Pararuan, puno ng CEEMO, walang dapat ikabahala ang mga Cabanatueños sa pagkunsumo ng pagkain mula sa dagat dahil ang nagsusuplay ng mga ito ay galing ng Navotas at Malabon.

Kung bibili ng isda, hipon, talaba, at iba pang pagkaing dagat, ang payo ni Pararuan ay piliin ang mga pwesto sa palengke na may kaukulang permit.

Sa araw-araw na pag-iinspeksyon, sinisiguro ni Paruruan na ligtas kainin ang mga paninda ng mga lehitimong tindera sa mga pamilihan ng Cabanatuan.

Bilin ni Pararuan sa mga konsyumer na tingnan ang kulay at amuyin ang mga bibilhin lalo na kung seafoods (pagkaing dagat) bago ito tuluyang bilhin.

Batay sa pinakahuling pagsusuri ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), positibo pa rin sa red tide toxin ang Masinloc Bay sa Zambales at ilang bahagi ng karagatan sa Bataan particular sa Mariveles, Limay, Orion, Pilar, Balanga, Orani, Abucay, at Samal.

Panawagan ng BFAR, iwasan ang pagkain ng lahat na uri ng shellfish at alamang mula sa mga nabanggit na lugar.

Ang isda, hipon, alimango, sa kabilang banda, ay pwede kainin basta’t linising mabuti sa pamamagitan ng pagtanggal ng bituka at hasang.

Nananatili namang negatibo sa red tide ang katubigan ng Bulacan sa Manila Bay. (WLB/CN PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines