Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 23 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Thursday, January 12, 2012

Tagalog News: Angeles, San Fernando pumirma ng sisterhood agreement

ni Carlo Lorenzo J. Datu

LUNGSOD NG ANGELES, Pampanga, Enero 12 (PIA) -- Pumirma kamakailan ng sisterhood agreement ang mga lungsod ng Angeles at San Fernando sa Pampanga.

Ayon kay Angeles City Mayor Edgardo Pamintuan, layunin ng kasunduan na pagtibayin pa ang mabuting relasyon at kooperasyon sa pagitan ng dalawang siyudad sa mga larangan ng edukasyon, agham at teknolohiya, kultura at sining, turismo, planning at urban development, trade & industry, youth welfare, isports, pangangalaga sa kalikasan, agrikultura, kalusugan, social services, at disaster mitigation at preparedness.

Dagdag pa ni Pamintuan na umaasa siya na ang kasunduan ay magbibigay daan upang mapabuti ang kanilang pagbibigay ng dekalidad na serbisyo sa kani-kanilang mga nasasakupan lalo pa at kapwa sila kilala dahil sa mabuting pamamahala.

Samantala, sinabi naman ni Oscar Rodriguez, alkalde ng San Fernando, na makakatulong ang kasunduan upang malampasan ng Angeles at San Fernando ang mga pagdadaanang pagsubok dahil handa nilang damayan ang isa’t isa.

Ang Angeles, na dating kilala sa pangalang Culiat, ay minsang naging bahagi ng San Fernando.

Ito ay itinatag ng noo’y gobernadorcillo ng San Fernando na si Don Angel Pantaleon de Miranda upang magsilbing bagong tahanan at taniman ng palay at tubo. (WLB/CLJD-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines