Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 15 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Thursday, January 12, 2012

Tagalog News: Bataan, Bulacan, nanguna sa Civil Service exam

ni Vinson F. Concepcion

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 12 (PIA) –- Hindi biro ang kumuha ng civil service eligibility exam, sa katunayan, marami ang bumabagsak dito at makailang umuulit hanggang sa pumasa. Kung kayat isang karangalan ang pumasa dito; mas kahanga-hanga kung manguna ka.

Dalawang lalake mula sa Bataan at Bulacan ang nanguna sa Career Service Examinations sa Rehiyon III ng Civil Service Commission (CSC) na igagawad ang mga sertipiko sa mga pumasa ngayong 1:00 p.m. sa SM City Pampanga Event Center.

Si Ezekiel Roel Rodriguez ng Balanga, Bataan ay nakakuha ng gradong 87.43 porsiyento, una sa 754 na pumasa mula sa 5,637 kumuha ng Professional Level ng pagsusulit.

Namayani naman si Michael De Leon ng Sta. Maria, Bulacan na may gradong 87.26 porsiyento sa Sub-Professional Level kung saan 148 ang nakapasa mula sa 1,165 kumuha.

Sinabi ng CSC na 10,866 ang nakapasa mula sa 94,251 kumuha sa isinagawang pagsusulit noong Oktubre 16, 2011 sa buong bansa. Ito ay may katumbas na 11.53 porsiyentong passing rate.

Kabilang sa 10 may pinakamataas na grado sa Gitnang Luzon para sa Professional Level sina Maria Ana C. De Jesus ng Dinalupihan, Bataan, 86.76%; Arnel C. Lalic ng Mexico, Pampanga, 86.68%; Florhen Grace C. Mallari ng Lungsod ng San Fernando, Pampanga, 86.51%; Kim Charmaine Q. Cortez ng Calulut, Lungsod ng San Fernando, 86.08%; Kimberly Anne P. Francisco ng Lubao, Pampanga, 86.02%; Clarence Y. Magtoto ng San Agustin, Lungsod ng San Fernando, 85.85%; Werlo M. Palomar ng Lupao, Nueva Ecija, 85.79%; Jeremiah P. Pascual ng Lungsod ng Malolos, Bulacan, 85.76%; at Joseph Conrad Q. Isidro ng San Rafael, Bulacan, 85.73%.

Para sa Sub-Professional Level, kabilang sa sampung pinakamataas sina Jason A. Duero ng Dinalupihan, Bataan, 85.92%; Robin James G. Magsilang ng Sto. Domingo, Nueva Ecija, 85.32%; Francisco S. Roxas ng Norzagaray, Bulacan, 84.92%; Michaela P. Buenaventura ng San Miguel, Bulacan, 84.81%; Pamela F. Delos Reyes ng Cuyapo, Nueva Ecija, 84.68%; Eunice M. Sadsad ng Lubao, Pampanga, 84.68%; Angelique T. Salazar ng Sta. Maria, Bulacan, 84.54%; Cynthia E. Magat ng Orion, Bataan, 84.21%, Charles Dondon E. Centeno ng San Miguel, Bulacan, 84.05%; at Christine S. Austria ng Talavera, Nueva Ecija, 84.01%.

Ang mga pumasa sa pagsusulit sa mga testing center sa Nueva Ecija ay pagkakalooban ng sertipiko sa Enero 16 sa Mega Center Entertainment Plaza, lungsod ng Cabanatuan. (WLB/VFC-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines