Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 27 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Friday, January 13, 2012

Tagalog News: Programang BOSS ipinapatupad sa bayan ng Candaba

ni Jojo S. Libranda

BALER, Aurora, Jan. 13 (PIA) -- Sinimulan ng pamahalaang munisipal ng Candaba, sa lalawigan ng Pampanga ang pagpapatupad ng programang Business One Stop Shop (BOSS) upang mapadali ang aplikasyon para sa permit at lisensya sa negosyo.

Sa ilalim ng programa, ang lahat ng tanggapan na direktang kasali sa pagpo-proseso ng aplikasyon sa renewal ng mga permit sa negosyo ay nakalagay na sa isang lugar para sa maayos na daloy ng proseso.

Sinabi ni Leny Manalo, ang punong kawani ng bayan, na ang programang ito ay makabubuti sa mga mangangalakal at sa pamahalaang bayan.

Ipinaliwanag niya na sa bahagi ng mga negosyante, may mga matitipid sa pera, oras, at pagod.

Para sa pamahalaang bayan, kahusayan ang ibig sabihin nito sa local revenue mechanism (mekanismopara sa lokal na kita), na magpapataas sa koleksiyon ng buwis.

Bukod dito, isang eight-man task team ang nilikha upang magsagawa ng pisikal na imbentaryo ng mga bagong itinatag na negosyo sa lahat ng mga komunidad sa bayan.

"There are more business coming in. They are willing to pay their dues to the municipal government. However, they are wishing to bring the services closer to them (May mga magnenegosyo pang parating. Handa sila na bayaran ang kanilang dapat bayaran sa pamahalaang munisipal. Gayunpaman, nagnanais sila na dalhin ang mga serbisyo ng mas malapit sa kanila)," wika ni Dado Paguinto, isang kasapi sa task team.

Lahat ng business permits at mga lisensya ay ire-renew sa loob ng unang 20 araw ng Enero. (WLB/JSL PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines