Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 27 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Friday, January 13, 2012

Tagalog News: P2,000 tulong pantawid pasada pinag-aaralan

ni Jojo S. Libranda

BALER, Aurora, Enero 13 (PIA) -- Pinag-aaralan ng pamahalaan ang panibagong transport assistance na P2,000 sa ilalim ng programang Pantawid Pasada upang mapagaan ang epekto ng mataas na presyo ng langis sa sektor ng transportasyon.

Sinabi ni Energy Undersecretary Jay Layug na may pagkakataon ang pamahalaan na maaaring dagdagan ang tulong sa P2,000. Naglabas ang pamahalaan ng P1,050 bawat card nang ilunsad ang programang Pantawid Pasada noong Mayo.

Sinabi ni Layug na ang tulong ay manggagaling mula sa natitirang P200 milyong badyet ng programang Pantawid Pasada.

"There is a chance of P2,000 (load per card). We issued 150,000 cards but only 95,000 were claimed (May pag-asa na P2,000. Naglabas tayo ng 150,000 card ngunit 95,000 lamang ang nakakuha)," wika ni Layug, na anya kung ang natitirang P200 milyon ay hahatiin ng 95,000 claimants, bawat jeepney operator ay makatatanggap ng mga P2,000 bawat isa.

Tiniyak ni Energy Secretary Jose Rene Almendras na ang mga cards ay madaling malagyan ng reload sa loob ng tatlo hanggang limang araw kapag ang halaga ay naaprubahan.

Sinabi ni Almendras na ang Pilipinas, tulad ng ibang bansang nag-aangkat ng langis, ay nangangamba rin sa pagtaas sa pandaigdigang presyo ng langis “but I don’t think we should exacerbate fear (subalit sa palagay ko ay hindi na natin dapat palalain ang takot).” (WLB/JSL PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines