PIA Press Release Friday, January 13, 2012Tagalog News: Kasalang bayan, isasagawa sa General Tinio sa Pebreroni Lyndon Plantilla GENERAL TINIO, Nueva Ecija, Enero 13 (PIA) -- Araw at buwan ng mga puso ang Pebrero; magdaraos ng kasalang bayan ang pamahalaang bayan ng General Tinio dalawang araw makalipas ang Valentine's Day sa Pebrero. Ipinababatid ng lokal na Civil Registry Office na bukas na ang aplikasyon para sa mga nagnanais kumuha ng lisensya sa pagpapakasal at makasama sa Kasalang Bayan sa Pebrero. Ang mga ipinapahanda at ipinasusumite ng Civil Registry Office ay ang mga sumusunod: (1) Birth Certificate o School Records kung walang birth certificate; (2) cedula; (3) pagsasama ng magulang kung wala pang 25 anyos ang mga ikakasal; (4) katibayan na hindi pa naikakasal mula sa National Statistics Office; at (5) death certificate ng asawa kung balo o biyudo ang mga ikakasal o isa sa ikakasal. Deadine ng aplikasyon ay Pebrero 8. Para naman sa mga mag-nobyong nagsasama nang mahigit sa limang taon, hindi kasal, at nagkakaedad ng 18 taong gulang pataas, ang deadline ng aplikasyon sa lisensya sa pagpapakasal ay sa ika-13 ng Pebrero. (WLB/LDRP PIA-3) |