Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 14 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Friday, January 13, 2012

Tagalog News: Pangatlong taniman, isinusulong ng NIA

ni Lyndon Plantilla

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Jan 13 (PIA) - Hinikayat ng National Irrigation Administration - Upper Pampanga River Integrated Irrigation System (NIA-UPRIIS) ang mga magsasaka na mag-ikatlong taniman ng palay o third cropping ngayon taon.

Ayon kay Maridenise Cudia, Community Relations chief - Institutional Development Section ng NIA-UPRIIS, naisipan ng kanilang pamunuan na imungkahi sa mga magsasaka na mag-third cropping para magamit ang sobra-sobrang suplay ng tubig sa Pantabangan Dam.

Sinabi ni Cudia na masasayang lang ang saganang tubig pang-irigasyon kung hindi magagamit sa pagtatanim at padadaluyin lang sa mga ilog.

Bukod dito, sinabi ni Cudia na ito ang pagkakataon ng mga magsasaka na nalugi ng manalasa ang mga bagyong Pedring at Quiel noong 2011.

Halos 30,000 ektarya ng lupa na sineserbisyuhan ng NIA UPRIIS ang nadisgrasya ng mga bagyong ito.

Sa ulat ng Dam and Reservoir Division ng NIA-UPRIIS sa Pantabangan Dam, mapipilitan silang maglabas ng tubig pagsapit ng Agosto batay sa kanilang projection at konsiderasyon sa umiiral na La Nina phenomenon.

Pag may nangyayaring La Nina, inaasahang madalas ang pag-ulan sa iba't ibang panig ng bansa.

Ang spilling level ng Pantabangan Dam ay 221 meters. Noong Miyerkules, nakapagtala ng mahigit sa 215 meters ang nasabing dam.

Mahigit sa 111,000 ektarya, kasama ang Bulacan (San Miguel at San Ildelfonso) at Pampanga (Candaba), ang tinatarget ng NIA UPRIS sa third cropping.

Sa susunod na linggo, magpapatawag ng pulong ang iba't ibang dibisyon ng NIA UPRIS para mapaliwanagan ang mga magsasaka.

Ang mga tinatarget na mag-third cropping sa Division 1 ay ang San Jose City, Science City of Munoz, at bahagi ng Llanera.

Doon naman sa Division 2, ang mga tinatarget ay ang Talavera, bahagi ng Llanera, Rizal, at Natividad.

Sa Division 3: Zaragosa, bahagi ng Cabanatuan, Santa Rosa, Jaen, at San Antonio.

Sa Division 4: bahagi ng Cabanatuan, Gapan, San Isidro, San Miguel, at San Ildelfonso ng Bulacan at Candaba, Pampanga.

at sa Division 5 ay ang mga bayan ng Licab at bahagi ng Science City of Munoz. (WLB/LDRP PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines