Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 15 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Friday, January 13, 2012

Tagalog News: Pagkawagi sa Gawad Galing Sanggunian nagbunsod ng inspirasyon sa Malolos

ni Vinson F. Concepcion

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 13 (PIA) –- Nagsilbing inspirasyon ang pagkapanalo ng lungsod na ito sa katatapos lang na Gawad Galing Sanggunian (GGS) upang maging “daan sa pagbabago at pag-inam ng buhay” ng mga Maloleño.

Tinanggap ng lungsod ng Malolos ang karangalang Natatanging Sangguniang Panlungsod kasama ang premyong P100,000 kamakailan sa GGS na ginanap sa Hiyas ng Bulacan Convention Center. Napagwagian din nito ang Natatanging Ordinansa ng Taon.

Sinabi ni Mayor Christian Natividad na magiging inspirasyon ang mga parangal na ito sa Sangguniang Panlungsod (SP) upang lumikha ng mga batas para sa ikauunald ng tahanan ng unang republika sa Asya.

“Lalo ko silang (SP) makakaagapay sa daan tungo sa pagbabago at pag-inam ng buhay ng mga mamamayan ng lungsod,” ani Natividad na pinarangalang Natatanging Kagawad ng GGS noong 2003.

Sinabi naman ni Vice Mayor Gilbert Gatchalian, tagapangulo ng hapag ng SP Malolos, na pagbubutihin pa niya ang trabaho kasama ang kanyang 10 kagawad upang sabayan ang pag-unlad ng lungsod.

Ayon pa sa City Information Office, tinanggap ni Konsehal Jesus Ricardo De Gala III ang Perfect Attendance Award. Siya rin ang may-akda ng City Ordinance No. 16-2010 na tinanghal na Natatanging Ordinansa ng Taon.

Ipinag-uutos ng nasabing batas sa mga may-ari ng establisyimento na ilista para sa rehistrasyon ang mga umuupa sa kanila. Kabilang na ang listahan na ito sa mga rekisito upang makakuha ng business permit ang mga may-ari ng paupahan. Iniatas din nito sa mga nangungupahan na magpasa ng listahan ng kanilang mga pangangailangan sa establisyimentong inookupa habang ang mga may-ari ay dapat magbigay ng listahan ng mga kaparusahan sa paglabag.

Dagdag pa rito, pinarangalan din sina konsehal Francisco Centeno Jr., Alberto Ramos, at Crispin Erjas dahil sa paglilingkod nang tatlong terminong sunud-sunod.

Ang GGS ay isang taunang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa mga natatanging sanggunian at mambabatas, kabilang na ang mga bise-alkalde, konsehal at kalihim. (WLB/VFC-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines