Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 13 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Saturday, January 14, 2012

Tagalog News: Apat na bagong pinuno, sa mga opisina sa Bulacan

ni Vinson F. Concepcion

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 14 (PIA) –- Apat na bagong opisyal mula sa kani-kanilang maliit na dibisyon ang itinalagang mga bagong pinuno ng iba’t ibang opisina sa pamahalaang panlalawigan ng Bulacan.

Matapos ang 18 taon bilang direktor ng Office of Student Organizations sa Bulacan State University (BulSU), isang sorpresa para kay Dr. Romeo Inasoria ang kanyang pagkakatalaga bilang pangulo ng Bulacan Polytechnic College. Aniya, biniro lamang siya ni BulSU president Mariano De Jesus kung maaari siyang mamuno ng isang institusyon.

“Hindi ko talaga ito inaasahan. Nang tanungin ako ni Dr. De Jesus kung gusto kong maging pangulo ng isang institusyon, hindi ko alam na Bulacan Polytechnic College ‘yon,” ani Inasoria.

“Hindi ako magiging boss dito. Magiging isang team player ako,” dagdag niya.

Pamumunuan naman ang Provincial Engineer’s Office (PEO) ni Engr. Glenn Reyes na matapos ang 11 taon bilang chief of staff ng District Engineer sa Department of Public Works and Highway ay nangakong ipagpapatuloy ang kanyang pagiging “time committed” at “quality oriented” sa bago niyang opisina.

“Ang maipapangako ko sa mga kasamahan ko dito, sila bilang mga taga-PEO ay magiging proud in the end na narito sila… dahil magiging productive sila. Tutulungan ko silang maging pinakamagaling hanggang sa kanilang makakaya bilang lingkod publiko,” ani Reyes.

Samantala, pagtutok sa mga isyung pangkalusugan sa pamamagitan ng pagpuksa sa mga bantang may kinalaman sa paghahayupan ang prayoridad ni Dr. Voltaire Basinang, bagong hepe ng Provincial Veterinary Office.

Bilang dating veterinary officer sa Provincial Agriculture Office, sinabi ni Basinang na titiyakin ng kanyang bagong tatag na opisina ang kaligtasan ng mga mamimili “habang kumikita ang mga may-ari ng hayupan.”

Itinalaga namang bagong kalihim ng Sangguniang Panlalawigan (SP) si Maria Perpetua Santos na magiging tagapag-ingat ng mga dokumento ng SP at iba pa.

“Napakahalaga ng secretariat. Dumarating at umaalis ang mga mambabatas ngunit permanente ang mga dokumento. Gusto kong palakasin ang mga staff,” ani Santos. (WLB/VFC-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines