Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 8 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Saturday, January 14, 2012

Tagalog News: Ibinigay ng fisheries authority ang pamahahala ng Panasahan Fishport and Cold Storage facility sa Malolos

ni Vinson F. Concepcion

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 14 (PIA) –- Pormal ng isinalin ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) sa pamahalaang panlungsod ng Malolos ang pamamahala ng bagong gawang Panasahan Fishport and Cold Storage Facility sa Barangay Panasahan, Malolos noong Martes (Enero 10).

Sa isang simpleng seremonya ng turn-over at ribbong cutting ceremony, isinalin ni Engr. Miguel Lamberte Jr., manager ng operation service department ng PFDA ang susi kina Atty. Rizaldy Mendoza, city administrator at Victorino Aldaba Jr. pinuno ng City Economic Enterprise Development Office (CEEDO) bilang simbolo ng pamamahala sa nasabing fishport.

Sa panayam kay Lamberte ng MCDN-Channel 18, umaasa siya na mapangasiwaan ng mabuti ang pasilidad ng nasabing fishport dahil anya talagang ginawa ito ng PFDA upang makatulong sa mga taga-Malolos at dahil na rin mahirap humanap ng pondo.

Ipinangako naman ng mga namumuno ng pamahalaang panlungsod na pangangasiwaan nila ito nang mabuti para matulungan ang mga mangingisdang Malolenyo at mga negosyanteng nagbebenta ng isda at alamang.

Ang naturang fishport na ginugulan ng mahigit P8 milyon mula sa PFDA, ay sinimulan noong nakaraang taon at natapos ng Disyembre 2011.(WLB/VFC-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines