Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 27 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Sunday, January 15, 2012

Tagalog News: PNoy panauhing pandangal sa grand opening ng pagawaan ng bag sa Tarlac

ni Carlo Lorenzo J. Datu

LUNGSOD NG TARLAC, Enero 15 (PIA) -- Nakatakdang dumalo bilang panauhing pandangal si Pangulong Benigno S. Aquino III sa grand opening ng manufacturing facility ng D’ Luxe Bags Philippines sa barangay Sta. Rosa, Concepcion, Tarlac bukas, Enero 16.

Ang D’Luxe, isang sangay ng Hong Kong-based Luen Thai Holdings, ay isa sa mga outsourced manufacturers ng mga designer bags ng American firm na Coach International Ltd.

Ito ay inirehistro sa Board of Investments noong Enero 2011.

Sa kasalukuyan, may 1,200 empleyado ang D’ Luxe at umaabot ng mula 90,000 hanggang 100,000 ang mga bag na nagagawa nito kada buwan.

Pagsapit ng Marso ngayong taon, inaasahang lolobo sa 1,700 ang bilang ng mga empleyado at humigit kumulang limang milyong dolyar na halaga ng pamumuhunan.

Ang pagtatayo ng bag manufacturing facility sa Tarlac ay isa sa tatlong ipinangako ng Luen Thai nang makipagpulong sa Pangulo noong Setyembre 2010 sa New York City.

Ang dalawang iba pa ay ang expansion ng mga production plants nito sa Mactan, Cebu and Clark Freeport. (WLB/CLJD-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines