Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 10 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Sunday, January 15, 2012

Tagalog News: TOFIL awardee, karanasan sa Nueva Ecija ang inspirasyon sa pagsusulong ng pangangalaga sa kalusugan

ni Lyndon Plantilla

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Enero 15 (PIA) -- Isang doktor na dating naglingkod sa mga Novo Ecijano ang kabilang sa 2011's The Outstanding Filipino (TOFIL) awardees.

Kinilala ng TOFIL ang pathologist na si Dr. Ramon Nery noong Huwebes sa Palasyo ng Malakanyang dahil sa mga repormang patungkol sa pangangalaga sa kalusugan na isinulong niya sa Dapitan City at Misamis Oriental.

Ilan sa mga repormang ito ay ang pagsusulong ng membership ng Philhealth ng mga maralita, pagsasanay sa mga surgeons, online consultations, serbisyong medikal sa mga OFW at 24 oras na laboratory services.

Bago napunta ng Mindanao, napabilang muna si Dr. Nery sa Pathology Department ng Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center (PJGMRMC) sa Cabanatuan City.

Ayon sa TOFIL Facebook Account, natamo ng PJGMRMC ang accreditation ng Philippine Society of Pathologists at pinayagan ang ospital na magturo at magsanay sa clinical and anatomic pathology.

Ikinatuwa ni Hubert Lapuz ng PJGMRMC ang mga nagawa ni Dr. Nery.

Sinariwa naman ni DWNE (isang lokal na istasyon ng radio) Senior Reporter Mel Ciriaco ang kanilang pagtutulungan nina Dr. Nery sa tuwing may blood letting operation ang Nueva Ecija Chapter ng National Voluntary Blood Services.

Tumayong vice-chairperson si Dr. Nery sa nasabing organisasyon.

Ani Ginang Ciriaco, malaki ang kontribusyon ni Dr. Nery sa pagpapalakas ng bloodletting program at sa pagpapalaganap ng kaalaman sa pagbibigay ng dugo sa Nueva Ecija.

"Lahat ng mga nakumbinsi namin nina Dr. Nery, binabati namin sa radyo noon," sabi ni Ginang Ciriaco.

Naniniwala si Dr. Nery na ang kanyang karanasan sa Nueva Ecija ang naging inspirasyon niya para magsulong ng mga reporma sa public healthcare sector.

Para sa kanya, malaking inspirasyon sa kanila ang makitang may gumagaling na pasyente sa tulong ng kanilang mga programa.

Bukod kay Dr. Nery, ang iba pang 2011 awardees ay sina Dr. Jesus Estanislao para sa governance (pamamahala), Dating Trade and Industry Secretary at Philippine Stock Exchange Chair Jose Pardo para sa Business, Sylvia Pendon para sa entrepreneurship at Dr. Emerlinda Ramos para sa Education (education).

Sinaksihan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang naturang paggawad ng parangal. (WLB/LDRP PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines