Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 25 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Monday, January 16, 2012

Tagalog News: Selebrasyon para sa pagdiriwang ng ika-113 taon ng pagpapasinaya sa Unang Republika gagawin

ni Vinson Concepcion

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 16 (PIA) –- Bilang paghahanda para sa Ika-113 taon ng pagpapasinaya sa Unang Republika, magsasagawa ng isang linggong kasayahan ang pamahalaang panglunsod simula Enero 16 at magtatapos sa Enero 23.

Tatawaging “Fiesta Republika,” pangungunahan ng Tanggapan ng Turismo, Sining, Kultura at Palakasan ang unang araw ng selebrasyon sa pamamagitan ng Trade Fair; exhibits ng mga pintor ng Bahaghari; lakbay kasaysayan; Handaang Malolenyo; Hari at Reyna ng Kundiman; Dulansangan (Street Theater); at Bayani at Bituin ng Malolos kung saan pararangalan ang mga artistang Malolenyo at mga taong malaki ang naging kontribusyon sa pag-unlad ng lungsod.

Sa mga susunod na araw bibigyan din ng pagkakataong makapagtanghal ang mga ibat-ibang sektor tulad ng sa kalikasan, mga naghahanapbuhay, kalusugan, agrikultura, kababaihan, senior citizens, at kabataan.

Ayon kay Mayor Christian D. Natividad, maipakikita sa isang linggong pagdiriwang ang kultura, kalinangan, produkto, kaluto, at magagandang katangian at kakayahan ng mga Malolenyo.

“Gayundin, nararapat lamang na ating gunitain at ipagdiwang ang kadakilaan ng ating mga ninuno na nagpamana sa atin ng demokrasya na ating pinakikinabangan ngayon,” ani Natividad.

Naniniwala ang pamahalaang panglunsod na mas maiintindihan ng kabataang Malolenyo kung saan pupunta ang lungsod sa pamamagitan ng pag-unawa sa ating nakaraan.

Higit pa rito, ang araw ay pagpipista ng mga Malolenyo, at pagpapakita ng mga Bulakenyo sa kanyang galing, tapang at pagka-makabansa.

Ang nasabing selebrasyon ay sama-samang isasagawa sa pangunguna ng Tanggapan ng Punong Lungsod, Department of Education-Division ng Malolos, City Environment & Resources Office, Training, Education & Cooperative Office, City Agriculture Office, City Welfare & Development Office, Department of Interior and Local Government ng lungsod, Association of Barangay Captains, City Information Office at ng City Administrator’s Office. (WLB/VFC/PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines