Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 22 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Monday, January 16, 2012

Tagalog News: Go Negosyo, isinusulong ang kalakasan ng kababaihan

ni Vinson F. Concepcion

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 16 (PIA) –- Iniimbitahan ng Go Negosyo, isang adbokasiya sa pagnenegosyo, ang publiko upang lumahok sa patimpalak sa pagsulat ng sanaysay kaalinsabay ng 4th Women Entrepreneurship Summit and Expo sa Marso 2 sa World Trade Center, lungsod ng Pasay.

Inilunsad ng Philippine Center for Entrepreneurship (PCE) ang nasabing paligsahan na may temang “Babae: Kapuso Ka ng Bayan” na naglalayong kilalanin ang mga kontribusyon ng kababaihan sa lipunan.

“Isinusulong ng essay writing contest ang kabatiran para sa lahat tungkol sa mga kontribusyon ng kababaihan sa iba’t ibang antas ng lipunan, sa iba’t ibang lugar sa komunidad, at sa lahat ng larangan,” anang PCE sa Ingles.

Bukas ang patimpalak sa lahat, kahit anong edad at kasarian; sa lenggwaheng Ingles o Filipino; at ang sanaysay ay dapat orihinal, hindi pa nalilimbag sa anumang pahayagan o online; at may bilang na hindi lalagpas sa 1,000 salita.

Ang mga ipapasang akda ay dapat nasa Word format, double space, font size 12, font style Tahoma, at dapat ipadala bilang attachment kasama ang entry form sa feedback@gonegosyo.net na may subject na WES 2012 Essay.

Ang takdang palugit ay sa Pebrero 20. Isang akda lamang kada tao ang tatanggapin. Susuriin ang mga lahok batay sa mga sumusunod na batayan: relevance to the theme (kaugnayan sa tema), 50 porsiyento; style at grammar (estilo at tamang paggamit ng salita), 20 porsiyento; at appeal to intellect and emotion (pukaw sa kaisipan at emosyon), 30 porsiyento.

Ihahayag ang mga magwawagi sa Women Entrepreneurship Summit sa Marso 2 sa World Trade Center. Bago ang kaganapan, ipaaalam ng Go Negosyo sa mga nagwagi ang kanilang pagkapanalo upang sila ay makadalo.

Samantala, iniimbitahan din ng Go Negosyo ang mga exhibitor na nais itanghal ang kanilang mga produkto, serbisyo at ideya sa pagnenegosyo sa naturang summit.

“Sumali ako sa summit noong isang taon sa World Trade at masasabi ko na mas lalo akong nahimok na ipagpatuloy ang aking negosyo. At sa pagkakataong ito, nais ko uling sumali,” ani sa Ingles ni Cez Delos Reyes Ciruela, isang entreprenyur.

Para sa mga detalye, tawagan si Emily De Silva sa 637-9229/637-9347 o sa 0916-611-0566/0922-259-8165. (WLB/VFC/PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines