Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 26 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Monday, January 16, 2012

Tagalog News: PNoy pinasalamatan ang Luen Thai sa malaking puhunang binubuhos sa Phl

ni Carlo Lorenzo J. Datu

CONCEPCION, Tarlac, Enero 16 (PIA) -- Personal na pinasalamatan kaninang umaga ni Pangulong Benigno Aquino III ang Hong Kong-based firm na Luen Thai Group sa mga malalaking pamumuhunan nito sa bansa na nakapaglikha ng libo-libong trabaho para sa mga Pilipino.

Ayon kay Aquino, siya ay natutuwa kapag ang diskusyon ay nababaling sa Luen Thai sapagkat nangangahulugang ito'y mabuting balita.

Sinabi ng Chief Executive na kapuri-puri ang naiambag na ng kumpanya sa bansa dahil nagbigay daan ito upang tuparin ng gobyerno ang pangako na mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng disenteng kabuhayan.

Inilahad ng Pangulo ang plano ng Luen Thai na makapaglikha ng hindi bababa sa 35,000 trabaho sa ikatlong taon ng kanyang panunungkulan at mag-expand sa iba pang negosyo maliban sa damit at bag gaya ng turismo.

Si Aquino ang nagsilbing panauhing pandangal sa grand opening ng pagawaan ng subsidiary ng Luen Thai na D’ Luxe Bags Philippines sa barangay Sta. Rosa, Concepcion, Tarlac.

Ang D’Luxe ay isa sa mga outsourced manufacturers ng mga designer bags ng American firm na Coach. Ito ay na incorporate noong Disyembre 2010 at inirehistro sa Board of Investments noong Enero 2011.

Sa kasalukuyan, may 1,200 empleyado ang D’ Luxe at umaabot ng mula 90,000 hanggang 100,000 ang mga bag na nagagawa nito kada buwan.

Target nito ang US$130 milyong na export value at apat na milyong bag kada taon pagsapit ng 2014.

Ang pagtatayo ng bag manufacturing facility sa Tarlac ay isa sa tatlong ipinangako ng Luen Thai ng makipagpulong sa Pangulo noong Setyembre 2010 sa New York City.

Ang dalawang iba pa ay ang expansion ng Adidas production plant nito sa Mactan, Cebu at Ralph Lauren factory sa Clark Freeport. (WLB/CLJD-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines