Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 22 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Tuesday, January 17, 2012

Cebu Pacific, Canadian firm magtatayo ng aviation training center sa Clark

ni Carlo Lorenzo J. Datu

CLARK FREEPORT, Pampanga, Enero 17 (PIA) -- Nakatakdang magtayo ng aviation training center ang Cebu Pacific Air o CEB at Canadian firm na CAE sa loob ng Clark Freeport.

Sa isang pahayag, inilahad ni CEB president and chief executive officer Lance Gokongwei na ang operasyon ng akademya ay inaasahang magsisimula sa ikatlong bahagi ng 2012 at tinatayang aabot ng $40 milyon - $50 milyon ang halaga ng pamumuhunan.

Ito ay inisyal na nakalaan sa Airbus A319/320/321 series pilot type-rating training requirements at sa pagbibigay ng “wet” instructor-led type-rating training para sa kasalukuyan at bagong piloto ng CEB.

Mayroong initial, recurrent, conversion, at jet indoctrination training din ito para sa ibang Airbus operators.

Ang state-of-the-art training center ay palalakihin sa pakikipagtulungan ng training facilities design team ng CAE. Mayroong itong pansimulang dalawang Airbus A320 FFSs na may kakayahang lumawak pa.

Sinabi pa ni Gokongwei na ang sanayan na ito ay makakatulong mapabuti ang turismo at aviation potentials ng Pilipinas sa pamamagitan ng paglinang ng mga world-class na piloto at ito ay makakapag-ambag na rin sa umuunlad na aviation industry ng Asya-Pasipiko.

Bukod sa mga piloto, sasanayin din sa hinaharap ang iba pang aviation personnel tulad ng cabin crew. (WLB/CLJD-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines