Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 22 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Wednesday, January 18, 2012

Tagalog News: P2M fountain sa Bulacan, tutulong pumigil sa mga krimen

ni Vinson F. Concepcion

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 18 (PIA) -- Hindi lang dagdag atraksyon ang hatid ng bagong fountain na nagkakahalaga ng P2 milyon sa isang bayan sa Bulacan. Tutulong din itong pumigil sa mga krimen lalo na sa gabi.

Pormal na ipinagkaloob ng Savemore Market, isang linya ng mga grocery stores sa ilalim ng SM Food Retail Group, kahapon sa bayan ng Baliuag ang naturang fountain na may diyametrong 22 talampakan at itinayo sa gitna ng Glorietta Plaza sa Barangay Poblacion.

Sa harap ng mga dumalong guro, senior citizens, empleyado ng munisipyo at estudyante, pinangunahan ni Mayor Romeo Estrella ang seremonyal na pagsisindi ng fountain na gawa sa mga itim na porcelain tile at asul at berdeng mosaic tile.

“Buhay na buhay ang ating bayan, masiglang masigla. Ang asul na kulay ng bukal ay nangangahulugan ng kapayapaan at ang berde ay pag-asa. Dito sa Baliuag, nandito na ang pag-asa pero kailangan nating magsipag,” ani Estrella.

Idinagdag niya na hindi gumastos ang lokal na pamahalaan sa pagtatayo ng bagong atraksyon na ginawa sa loob ng may limang buwan.

Ayon kay Gina Nievera, operations manager ng Savemore, makikinabang ang Baliuag na may tinatayang 140,000 populasyon sa bagong fountain dahil magbubunsod ito ng pagbabago sa plaza na dinadaanan ng mga tao araw at gabi.

Sinabi ni Nievera na bukas ang fountain 24 na oras na tutulong upang ilawan ang dating madilim na plaza sa gabi na ayon sa mga ulat ay nagiging lunan ng prostitusyon at iba pang ilegal na gawain.

“Layunin ng Savemore na paunlarin ang komunidad, ang magtayo ng isang komunidad. Posible na mabago ang pag-iisip ng mga tao na gumawa ng mga ilegal na gawain sa gabi dahil may ilaw na sa lugar,” ani Nievera.

Idinagdag niya na mula nang buksan ang bukal noong Disyembre, napansin niya na napapanatili na ang kalinisan sa plaza na nagsisilbing pook tindahan ng mga naglalako at tambayan ng mga kabataan at estudyante.

Isang munting konsiyerto naman sa pagtatapos ng programa ang inihandog ng Baliuag Polytechnic College sa pangunguna ng Performing Arts Society, Chorale, Brass Band at Musicians Society nito. (WLB/VFC/PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines