Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 9 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Wednesday, January 18, 2012

Tagalog News: Aurora magdiriwang ng ika-33 taong anibersaryo sa Pebrero

ni Jojo S. Libranda

BALER, Aurora, Enero 18 (PIA) -- Magdiriwang ang lalawigan ng Aurora ng ika-33 taon nitong pagkakatatag bilang malayang lalawigan, hiwalay at natatangi mula sa lalawigan ng Quezon, sa ika-9 hanggang ika-19 ng Pebrero 2012.

Hahantong ang isang linggong pagdiriwang sa paggunita sa ika-124 na anibersaryo ng kapanganakan ni Doña Aurora Aragon-Quezon, ang kabiyak ng pangulo ng Commonwealth na si Manuel Luis Quezon.

Ang tema ng pangkalahatang pagdiriwang at programa sa taong ito ay, “Pinakamahusay na Kultura ng Aurora… Ating Ipinagmamalaki! Ating Pamana!” Nakatutok ito sa pagtataguyod ng pamanang pangkultura na naglalarawan sa likas na kapaligiran, mga gawa ng tao sa nakalipas na panahon at katangiang pangkultura ng lalawigan na ang bawat taga-Aurora ng kasalukuyang henerasyon ay magkaroon ng diwa ng pagpapahalaga, ng walang katulad at may pagkakakilanlan.

Ang mga nakalinyang aktibidad kaugnay ng pagdiriwang ay ang Aurora Surfing Challenge mula Peb. 9 hanggang 12, Takbo para kay Doña Aurora sa Peb. 12, Grand Opening, motorcade, tourism at trade fair sa Peb. 13. Magkakaroon ng Valentine show sa Peb. 14. Ang drum and lyre competition at Tuklas Talino ay parehong gaganapon sa Peb. 15. Nakatakdang ganapin ang street dancing competition sa ika-16 ng Pebrero, Search for Bb. Aurora 2012 sa ika-17, airsoft competition at People’s Party sa Peb. 18. Ang Dayana para kay Dona Aurora, Liturgical Celebration, parada at anniversary program ay sa Peb. 19.

Para sa karagdagang kaalaman, makipag-ugnayan lamang kay G. Shierwin H. Taay, punong tagapamahala ng pagdiriwang sa Capitol Compound Baler, Aurora. Maari ding magpadala ng e-mail sa pescaydoaurora@yahoo.com (WLB/JSL PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines