Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 27 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Wednesday, January 18, 2012

Tagalog News: Education-to-employment, pinalalakas sa bayan ng Balagtas

ni Vinson F. Concepcion

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 18 (PIA) -- Patuloy ang paghahanda ng bayan ng Balagtas upang maghandog ng mga apat na taong kurso at short courses sa Balagtas Technical Vocational College (BTVC)-Castro Campus bilang pagpapaigting sa programa nitong education-to-employment.

Inaasahan na makukumpleto ngayong taon ang operasyon ng BTVC habang inilalatag ang mga programa nito sa mga kursong apat na taon, teknikal at short courses at ikinakampanya sa publiko ang kolehiyo upang makahatak ng mga mag-aaral, sabi ng Balagtas sa isang pahayag.

Sinabi ni BTVC administrator Julian Canonoy na patuloy ang pagpapagawa ng mga bulwagan sa paaralan matapos pasinayaan noong nakaraang taon ang tatlong silid-aralan at 10 computer sets ang ibinigay sa campus sa Barangay Pulong Gubat.

Isang resolusyon din ang ipinasa ng munisipyo bilang paghingi ng suporta sa Bulacan Agricultural State College sa bayan ng San Ildefonso upang tulungan ang BTVC sa pagkakaloob ng mga kursong apat na taon. Kabilang sa mga kursong ihahandog ay BS Agriculture, Industrial Technology, Animal Husbandry, Business Administration, Hotel and Restaurant Management at iba pa.

Tutulong naman ang Public Employment Service Office sa mga mag-aaral na makahanap ng trabaho matapos silang kumuha ng mga teknikal na kurso sa BTVC gaya ng PC Hardware Servicing, Food Processing, Garments Technology at iba pa.

May mga balak ding ipagkaloob na short courses na maaaring kunin sa loob lamang ng 15 araw tulad ng Computer Science, Computer Technician, Computer Secretarial, AutoCAD with Drafting, Computer Programming, English Proficiency, Driving, Welding, Dress Making, Animal Health Care Technician at Cosmetology.

Sinabi ni Mayor Romy Castro na libre ang matrikula ng mga estudyanteng kukuha ng teknikal na kurso sa BTVC at P400 lamang ang kanilang babayaran para sa uniporme at school ID.

“Isa ang edukasyon aking mga prayoridad dahil naniniwala ako na ito ang magiging mabisang pundasyon upang maabot ng ating mga kabataan ang kanilang mga hinahangad at pinapangarap sa buhay,” ani Castro.

May iskolarsyip din na ibibigay sa mga piling mag-aaral sa ilalim ng Project ROMY o Responsibilidad at Obligasyon ang mga Mag-aaral na Yaman ng bayan. (WLB/VFC/PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines