Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 20 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Wednesday, January 18, 2012

Tagalog News: DOE naglaan ng limang bilyong piso para sa pagpapakuryente ng mga lugar sa kanayunan

ni Carlo Lorenzo J. Datu

CLARK FREEPORT, Pampanga, Enero 18 (PIA) -- Naglaan ng limang bilyong piso ang pambansang pamahalaan ngayong taon para sa pagpapakuryente ng mga lugar sa kanayunan sa buong kapuluan.

Sa kanyang talumpati sa katatapos na Luzon Energy Forum na idinaos sa Clark Freeport, sinabi ni Energy Secretary Jose Rene Almendras na mithiin ng kanyang kagawaran na mabigyan ng access ang mas nakakaraming Pilipino sa enerhiya sapagkat naniniwala aniya sila na habang dumarami ang mga lugar na kanilang naiilawan ay mas lumiliwanag ang magandang kinabukasan ng susunod na salinlahi.

Dagdag pa ni Almendras na ang pamumuhunan ng pamahalaan sa kanayunan ay para sa “inclusive growth” ng bansa.

Malaki aniya ang maiaambag ng pag-unlad ng mga kanayunan sa pag-asenso ng mga kabayanan pagkat mas lalo pa nitong pasisiglahin ang merkado.

Kaya naman umapela si Almendras sa lahat, partikular sa mga mamumuhunan, na suportahan ang adbokasiyang enerhiya para sa lahat ng pamahalaan sapagkat ito ay para sa ikabubuti ng bayan.

Base sa pinakahuling datos ng Department of Energy (DOE), nasa kabuuang 33 pa ang mga barangay sa Pilipinas ang walang kuryente, kung saan 17 sa mga ito ay nasa Luzon habang 16 naman ang nasa Mindanao.

Samantala, nailawan na ang lahat ng 11,442 barangay sa Visayas.

Target ng DOE ang 100 porsyentong barangay electrification at 90 porsyentong household electrification pagsapit ng 2017. (WLB/CLJD-PIA 3 with reports from DOE)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines