Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 23 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Thursday, January 19, 2012

Tagalog News: Walo pang LGU sa Tarlac nasungkit ang Seal of Good Housekeeping

LUNGSOD NG TARLAC, Enero 19 (PIA) -- Walo pang local government units (LGUs) sa Tarlac ang nakatanggap kamakailan ng Seal of Good Housekeeping (SGH) mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Personal na ipinagkaloob nina DILG Regional director Florida Dijan at League of Cities of the Philippines President Oscar Rodriguez ang pagkilala sa mga alkalde ng Concepcion, Gerona, La Paz, San Clemente, San Jose, Sta. Ignacia, Victoria at siyudad ng Tarlac sa isang seremonya na isinagawa sa lungsod ng San Fernando, Pampanga.

Ayon kay Ria Ramos ng DILG-Tarlac, ang SGH ay iginagawad sa mga LGU na naging matagumpay sa mga larangan ng planning, budgeting, revenue mobilization, financial management and budget execution, procurement at resource mobilization.

Bukod dito, ang mga tumatanggap ng naturang pagkilala ay nakakuha rin ng “no adverse report” mula sa Commission on Audit na ang ibig sabihin ay sumunod sila sa lahat ng alituntunin ng auditing agency ng pamahalaan.

Dahil sa pagkakapanalo ng walong nabanggit na LGU ay nagawaran na ng SGH ang lahat ng labing pitong bayan at isang siyudad ng Tarlac at pati na rin ang pamahalaang panlalawigan nito.

Sinabi pa ni Ramos na awtomatikong kwalipikado para sa Performance Challenge Fund (PCF) ang mga SGH honorees.

Sa ilalim ng PCF, binibigyan ang mga mapipiling LGUs ng tig-isang milyong piso na siya namang ilalaan para sa mga proyektong susuporta sa pag-abot ng mga United Nations Millennium Development Goals o MDGs. Kabilang sa mga MDGs ang puksain ang matinding kahirapan at kagutuman at bawasan ang child mortality.

Noong 2011, ang mga PCF grantees sa Tarlac ay ang mga bayan ng Ramos, Pura, Anao at San Manuel.

Bukod sa pagiging requirement sa PCF, ang SGH din ang isa sa mga batayan ng pagpili ng mga nananalo sa regional at national Gawad Pamana ng Lahi (GPL).

Paliwanag ni Ramos, ang GPL ay ibinibigay sa mga LGUs na may kapuri-puring nagawa sa mga larangan ng Administrative Governance, Social Governance, Economic Governance at Environmental Governance.

Pumangatlo ang Tarlac sa provincial category ng inaugural regional GPL kung saan nasungkit ng Bulacan ang unang pwesto habang pumangalawa naman ang Nueva Ecija. (WLB/CLJD-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines