PIA Press Release Thursday, January 19, 2012Tagalog News: Talavera, magbubukas ng mga bagong paanakanCABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Enero 18 (PIA) -- Sinisikap ng pamahalaang bayan ng Talavera na mapalaganap ang serbisyong medikal sa kanilang mga nasasakupan.Kabilang na rito ang pagtatayo ng mga panibagong birthing stations (paanakan) sa kanilang mga barangay na magbibigay ng libreng serbisyo sa mga buntis. Ang mga lugar na tatayuan ng mga bagong paanakan ay ang mga barangay ng Bantug Hacienda, Sibul, Bantug, La Torre at Campos. Inaasahan ng lokal na pamahalaan na maseserbisyuhan din ang mga kalapit barangay tulad ng Cabubulaonan, Caputikan, Mabuhay Collado, Valle Burnay, Bugtong na Buli, Kinalanguyan, Caaniplahan, Dimasalang Norte, Dimasalang Sur at Mamandil sa sandaling maitayo ang mga bagong paanakan. Una nang nagkaroon ng naturang pasilidad ang mga barangay ng San Pascual, San Ricardo, Tabacao Bacal 3 at Pinagpanaan. Maging ang loob ng municipal compound ay natayuan din ng birthing station. (WLB/LDRP PIA-3) |