Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 13 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Friday, January 20, 2012

Tagalog News: Mga ambulant vendors sa San Marcelino nakinabang sa Nego-Kart project ng DOLE

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Enero 20 (PIA) -- Nasa 14 na ambulant o small-scale mobile vendors sa bayan ng San Marcelino sa Zambales ang nakinabang kamakailan sa pinakabagong livelihood assistance na bigay ng Negosyo sa Kariton (Nego-Kart) project ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Labor regional information officer Jerry Borja, bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng vending cart, livelihood tools at raw materials na nagkakahalaga ng P10,000.

Bukod dito, sumailalim din sila sa Entrepreneurship Development at Simple Bookkeeping trainings at orientation tungkol sa mga programa at serbisyong Social Security System (SSS) at Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Dagdag pa ni Borja na sinagot ng pamahalaang bayan ang enrollment at initial payments ng mga SSS at PhilHealth premiums ng mga naturang tindero.

Sa isang pahayag, pinasalamatan ni San Marcelino mayor Jose Rodriguez ang DOLE dahil sa pagkakasama ng kanyang munisipalidad sa mga sakop ng kanilang livelihood assistance sa rehiyon.

Hinimok ni Rodriguez ang mga benepisyaryo na gamitin ang mga natanggap na Negokarts sa pagpapalago ng kanilang kita na siyang magbibigay daan upang bumiti ang estado ng pamumuhay ng kanilang pamilya.

Nauna nang sinabi ni DOLE Regional director Leopoldo De Jesus na hindi natatapos ang mandato ng kanyang kagawaran sa pagbibigay ng mga job opportunities lamang, bagkus obligasyon din nilang bigyan ng pagkakataon ang bawat Pilipino na pumasok sa larangan ng pagnenegosyo sa pamamagitan ng kanilang mga integrated livelihood programs upang mapabuti ang kanilang pamumuhay. (WLB/CLJD- PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines