PIA Press Release Friday, January 20, 2012Tagalog News: Bagong hepe ng Aurora Police nangakong papanatilihin ang kapayapaan at kaayusan ng lalawiganBALER, Aurora, Jan. 20 (PIA) -- Ipinangako ng bagong Philippine National Police (PNP) provincial director Sr. Supt. Benjamin Hulipas na mapananatili ng lalawigan ang katayuan nito bilang pinakamapayapang lalawigan sa Gitnang Luzon.Ginawa ni Hulipas ang pangakong ito kamakailan sa seremonya ng paglilipat tungkulin. Pinalitan niya si Sr. Supt. Ervin Gumban na siyam na buwang nanungkulan bilang hepe ng kapulisan dahil sa serye ng mga krimen sa lalawigan. Si Hulipas ang pangalawang katutubo sa bayang ito na naging provincial director matapos kay Sr. Supt. Zorobabel Laureles noong 1993. Si Hulipas, na mula sa Barangay Suklayin sa bayang ito, ay inilagay sa pwesto sa bisa ng General Order 2 na inilabas ni PNP regional director para sa Gitnang Luzon na si Chief Supt. Edgardo Ladao. Kasapi si Hulipas sa Batch 85 ng Philippine Military Academy (PMA). Kabilang sa kanyang mga kilalang batchmates ay si Sr. Supt. Manuel Gaerlan at Sr. Supt. Arnold Gunnacao, mga dati at kasalukuyang provincial directors ng Bataan at Sr. Supt. Conrad Capa, ang intelligence officer ng National Capital Region. Dati siyang nakatalaga sa regional command ng Region 8 na nakabase sa Palo, Leyte. Naitalaga rin siya sa PNP Directorate for Logistics sa Camp Crame. (WLB/JSL PIA 3) |