Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 27 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Friday, January 20, 2012

Tagalog News: TESDA magsasagawa ng Regional Skills Competition sa Bulacan

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 20 (PIA) -- Daan-daang mga technical at vocational na estudyante at tagapagsanay ang magtutunggali sa Central Luzon Regional Skills Competition (RSC) sa darating na Enero 25 at 26 sa iba’t ibang lokasyon sa Bulacan.

Ayon sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)-Region III, ang RSC ay isang kompetisyon na isinasagawa kada dalawang taon bilang paghahanda sa Philippine National Skills Competition (PNSC), at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Skills Competition.

“Ito ay itinuturing na Olympics ng mga may trabahong manwal kung saan nagtatagpo ang mga tech-voc trainee, trainer, graduate, worker, at practitioner upang ipamalas ang kanilang mga talento at kakayahan sa isang palaban ngunit masayang kaganapan,” ayon sa TESDA.

Ang mga magwawagi ng ginto sa RSC ang kakatawan sa Gitnang Luzon sa PNSC na gaganapin sa Visayas sa Pebrero at ang mga mananalo naman sa PNSC ang lalahok sa ASEAN level sa Indonesia sa darating na Marso.

Magtutunggali ang mga kalahok sa 18 trade area kabilang na ang Mechanical Engineering Design-CAD, Information technology/Software, Welding, Web Design, Electrical Installation Technology, Cabinet Making, Joinery, Ladies/Men’s Hairdressing, Beauty Therapy, Fashion Technology, Automobile Technology, Cooking, Restaurant Service, Refrigeration, Graphic Design, Electronics, Information Network Cabling, at Mechatronics.

May temang “Galing at Talino, Specialista ‘Pagmalaki Mo!” ang dalawang araw na kompetisyon. Ito ay isasagawa sa iba’t ibang lokasyon kabilang na sa KorPhil-Bulacan, Research and Training Center on Community Living (RTCCL)-Guiguinto, STI-Balagtas, at sa Bulacan State University-Malolos.

Inaasahang dadalo si Executive Secretary Paquito N. Ochoa, Jr. bilang panauging pandangal sa pagbubukas ng programa sa Bulacan Capitol Gym sa Enero 25, 10:30 a.m., kasama sina TESDA Director General Joel Villanueva, Gregorio M. Sison, Jr., pangulo ng Association of Technical Vocational Institutes in Central Luzon at si Gobernador Wilhelmino Alvarado.

Isasagawa ang kompetisyon sa mga nakatakdang lokasyon matapos ang pananghalian. (CLJD/VFC-PIA3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines