Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 12 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Friday, January 20, 2012

Tagalog News: NIA UPRIIS, magiikot sa mga barangay para ikampanya ang early wet cropping at third cropping sa mga magsasaka

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Enero 20 (PIA) -- Bababa sa mga palayan at barangay ang mga tauhan ng National Irrigation Administration – Upper Pampanga River Integrated Irrigation System upang ipaliwanag sa mga magsasaka ang kabutihang maidudulot ng maagang basang pagtatanim (wet cropping) at ikatlong pagtatanim (third cropping).

Ayon kay NIA UPRIIS Division III Manager Jose Ariel Domingo, kailangan maunawaan ng mga magsasaka na makakabuti sa kanilang produksyon at kita kung lalahok sila sa early wet cropping at sa Third Cropping na inimungkahi ng kanilang pangasiwaan.

Pagkatapos makipag-usap sa mga pangulo ng irrigation associations, sinabi ni Engineer Domingo na ang mga miyembro ng mga ito ang kanilang pupuntahan.

Isinusulong ang Early Wet Cropping simula Abril para maiwasan at makaani bago dumating ang mga mapaminsalang bagyo sa pagitan ng Setyembre at Oktubre.

Dahil sa sagana ngayon ang Pantabangan Dam sa tubig, hinihikayat ng NIA-UPRIIS ang mga magsasaka na magsingit ng panibagong pagtatanim o third cropping pagkaraan ng early wet cropping.

Kung hindi matutuloy ang third cropping, maraming tubig ang masasayang dahil padadaluyin ng Pantabangan Dam ang mga ito sa mga ilog bilang bahagi ng protocol nito.

Tinatarget ng NIA-UPRIIS para sa third cropping ang may 45,000 ektarya ng palayan. Third cropping ang nakikita ng ahensiya para makabawi ang mga magsasakang binagyo noong 2011.

“Ang expected na aanihin nito ay 170,000 tonelada na nagkakahalaga ng P3 bilyon,” sabi ni NIA-UPRIIS Manager Josephine Salazar kasabay ng pagsasabing makakatulong ito sa pag-abot ng pinapangarap ng na rice sufficiency.

Sa pulong nitong Miyerkules, iniulat ni Manager Salazar na may halos dalawampung libong ektarya na ang makakasama sa programa batay sa suportang ipinahayag ng mga pangulo ng mga irrigator's association mula sa ilang bayan ng Hilaga at bungad ng Nueva Ecija, San Miguel at San Ildelfonso ng Bulacan at Candaba sa Pampanga. (WLB/LDRP PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines