Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 11 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Friday, January 20, 2012

Tagalog News: DSWD naglunsad ng online database system para sa social services

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 20 (PIA) -- Ipinahayag ngayong araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang paglulunsad ng bagong sistema sa online database para sa social services ng kanilang tanggapan.

Ayon sa kagawaran, ang online data base system para sa Social Welfare and Development Agencies (SWDAs) at Service Providers (SPs) ay isang pamamaraan upang magamit nang todo ang potensyal ng information and communications technology (ICT) para sa mas mabilis at mahusay na online transactions sa pagitan ng DSWD, SWDAs at SPs.

Ito rin aniya ay magbibigay daan upang mapagsabay at mapag-isa ang mga programa, serbisyo at maging ang teknolohiya ng mga ahensya para sa mabilis na paghahatid ng mga programang proteksyong panlipunan.

Sinabi ni DSWD Secretary Corazon “Dinky” Soliman na maaaring makita ng mga local government units, academe, mga funding agencies, organisasyon at maging ng publiko ang kumpleto at maasahang mga datos mula sa SWDAs at SPs sa web page ng kanilang tanggapan para sa mabilis na access at pagpapalitan ng impormasyon.

Ang naturang paglulunsad ng bagong teknolohiya ay bahagi pa rin ng isang buwang selebrasyon ng tanggapan ngayon buwan ng Enero. (CLJD/VFC-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines