Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 27 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Friday, January 20, 2012

Tagalog News: General Palparan, pinasusuko na ng 7th Infantry Division

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Enero 20 (PIA) -- Nananawagan ang 7th Infantry Division (7th ID) ng Philippine Army kay Retired Major General Jovito Palparan na lumantad na at harapin ang mga paratang sa kanya.

Pinabulaanan din ng dibisyon na itinatago nila ang dati nilang komandante na nagsilbi mula Set. 1, 2005 hanggang Set. 11, 2006.

Sa kalatas na kanilang inilabas, sinabi ng 7th Infantry Division na malaki ang tiwala nila sa hustisya at sa mga proseso ng batas.

Binigyang diin ng dibisyon na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay isang propesyonal na organisasyon ng mga disipilinadong sundalo na kumikilala sa batas at hindi nagkakanlong ng mga taong pinaghahanap ng mga awtoridad.

Handa ring magbigay ng impormasyon ang mga tauhan ng 7th Infantry Division kung sakaling malalaman nila ang kinaroroonan ni General Palparan.

Umaasa ang dibisyon na sasamantalahin ni General Palparan ang pagkakataon na ibinibigay ng mga awtoridad para maipagtanggol ang kanyang sarili.

Si General Palparan, kasama ang tatlong iba pa, ay naakusahang responsable sa pagdukot sa mga estudyanteng sina Karen Empeño at Sherlyn Cadapan ng Unibersidad ng Pilipinas.

Kasama din sa mga naakusahan sina Master Sgt. Rizal Hilario, Staff Sgt. Edgardo Osorio at Army Col. Felipe Anotado.

Sina Osorio at Anotado ay hawak na ng AFP samantalang hindi pa rin lumalantad si Hilario tulad ni Gen. Palparan. (WLB/LDRP PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines