Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 11 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Friday, January 20, 2012

FEATURE: Libreng sakay para sa mga mag-aaral

ni Lyndon Plantilla

SAN ISIDRO, Nueva Ecija, Enero 18 (PIA) -- Sa hirap ng buhay ngayon, kahit ang gapiso ay may halaga na rin. Sa mahal ng pamasahe sa mga pampublikong sasakyan, ang ilang pisong matitipid ay may mararating.

Ito ang kasalukuyang natatamasa ng may 70 mag-aaral sa sekondarya sa barangay Sto. Cristo, bayan ng San Isidro sa Nueva Ecija.

Bilang tulong ng kanilang konsehala sa barangay, sa pamumuno ng kanilang Barangay Kapitan na si Ramon Santos, isang mahabang sasakyan ang kinumpuni upang magsilbing "service" ng mga estudyante doon, papunta at pabalik sa kani-kanilang mga pinapasukang paaralan.

Bagamat hindi gaanong kalayuan ang mga paaralan, ang natitipid ng mga mag-aaral sa pasahe nang dahil sa naturang "libreng sakay," ay malaki ang naiaambag nito upang makatipid nang kahit kaunti ang mga magulang na hirap din naman sa buhay.

Si Kapitan Santos ay ang tagapangulo ng Westech WIPI Manufacturing Corp., isang kumpanyang gumagawa ng mga carousel o sasakyang pambata.

Nang dahil sa serbisyong ibinibigay ng barangay para sa mga mag-aaral, nakakatipid ng halos P50 ang bawat estudyante bawat araw ng kanilang pasok sa paaralan, perang kanila pang nagagamit para sa iba pang higit na pangangailangan para sa kanilang pag-aaral tulad ng mga proyekto at gawain na iniaatas ng mga guro, pambili ng pagkain sa oras ng kanilang "recess," at iba pa.

Kung susumahin, aabot sa P10,000 sa buong taon P1,000 kada buwan ang natitipid ng kada estudyante sa pamasahe sa loob ng sampung buwan ng isang pasukan sa paaralan, bagay na ipinasasalamat ng mga magulang sa dahilang malaking tulong na ang halagang ito sa uri ng kanilang pamumuhay.

Tuwing linggo, ipinagmamalaki ni Kapitan Santos na iba naman ang kanilang mga kliyente - mga nakakatanda at mga may kapansanan na hatid-sundo rin sa simbahan. (WLB/LDRP PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines