Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 16 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Sunday, January 22, 2012

Tagalog News: Libreng kuryente, ipagkakaloob sa public school sa bundok

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 22 (PIA) -- Matapos ang pahayag ng Department of Energy (DOE) na maglalaan ito ng P5 bilyon para bigyan ng kuryente ang lahat ng pook rural, isang pampublikong paaralan sa bulubunduking bayan dito ang tatanggap ng libreng kuryente dahil sa solar panels.

Tinupad ng National Power Corporation (NPC) ang hiling ni Gobernador Wilhelmino Alvarado na pagkalooban ng kuryente at tubig ang malayong paaralan ng Dike Elementary School sa bayan ng Norzagaray.

Sinabi ni NPC President Froilan Tampinco na hiniling ito ng gobernador noong magkita sila sa ika-apat na Regional Full Council Meeting nitong Disyembre sa Baler Sports Complex sa Aurora.

Ayon kay Tampinco, mga solar panel ang ikakabit sa paaralan upang maiwasan ang ilegal na koneksyon ng kuryente samantalang isang balon naman ang itatayo para sa suplay ng tubig.

“Nasa proseso na kami ngayon ng paghahanda sa disenyo at pagtataya na kakailanganin sa proyekto,” ani Tampico.

Sinabi naman ni Maricel Santos-Cruz, hepe ng Provincial Public Affairs Office, na nagpapasalamat ang gobernador sa NPC dahil makatutulong ang kuryente sa kondisyon ng mga batang nag-aaral.

Bago pa rito, inihayag ng DOE kamakailan sa isang pulong sa Clark, Pampanga na naglaan ang pamahalaang nasyonal ng P5 bilyon upang makabitan ng linya ng kuryente ang lahat ng barangay sa bansa padating ng taong 2017.

Sinabi ni Energy Secretary Jose Rene Almendras na isang mahabang landasin ang pagkumpleto sa naturang proyekto na maaari umanong umabot ng 10 hanggang 15 taon.

Ito aniya ay parte ng “kumpetong paglago” o “inclusive growth” na isinusulong ng pamahalaan.

“Ang kumpletong paglago ng ating ekonomiya ay magsisimula mula sa ibaba pataas. Alam natin na sa pagdating ng panahon, ang mga inilagak nating negosyo sa malalayong bahagi ng bansa ay babalik din sa sentro na may maraming tao,” ani Almendras sa Ingles.

Batay sa tala ng DOE, 33 barangay sa bansa ang wala pang kuryente. Luzon ang may pinakamataas na bilang na 17. Ito ay sinundan ng Mindanao na may 16, at wala naman sa Visayas. (CLJD/VFC-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines