Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 13 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Sunday, January 22, 2012

Tagalog News: Girl Scouts ng Nueva Ecija, magkakampo sa Fort Magsaysay

ni Lyndon Plantilla

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Enero 22 (PIA) -- Magkikita-kita ang may 3,000 miyembro ng Girl Scouts of the Philippines (GSP) sa Fort Magsaysay sa Palayan City ngayong linggo para sa 55th Junior and Senior Provincial Encampment ng organisasyon.

Sa pagsasagawa ng naturang aktibidad, nilalayon ng GSP na palaganapin ang kamalayan sa karapatang pantao at sa pagtalikod sa anumang anyo ng karahasan sa mga batang babae.

Manggagaling ang mga kalahok mula sa iba't ibang school divisions ng lalawigan.

Ang mga junior ay ang mga batang iskawt na may edad 9 hanggang 12 taong gulang, samantalang ang mga senior naman ay mga may edad 13 hanggang 17 anyos.

Tutulong ang mga elemento ng 7th Infantry Division sa mga batang iskawt na hihimpil sa Tent City simula Lunes (Enero 23).

Magbubukas ang pormal na aktibidad sa Martes (Enero 24), 9 ng umaga, sa Grandstand at Parade Grounds ng 7th Infantry Division.

Nangunguna sa listahan ng mga bisita ay sina 3rd District Representative Czarina Umali, Nueva Ecija GSP Council President Eufronica Seranilla, Nueva Ecija School Division Superintendent Tarcilla Javier at 7th Infantry Division Commander Major General Jose Z. Mabanta Jr. (WLB/LDRP PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines