Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Thursday, 12 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Monday, January 23, 2012

Tagalog News: Nationwide E-Trike Design Contest inilunsad ng DOE

BALER, Aurora, Jan 23 (PIA) -- Inilunsad ng Department of Energy (DOE) kamakailan ang E-Trike (electronic tricycle) design contest sa buong bansa. Layunin nitong makapili ng isang praktikal at magandang disenyo na maaaring gamitin ng ahensiya sa paggawa ng isang sasakyang angkop sa lokalidad, hindi makonsumo ng krudo, maaaring isabak sa kalyeng pamprobinsiya, kayang lumusong sa baha, at kayang magdala ng maramihan.

Sampu ang tatanghaling panalo kung saan ang unang tatlo ay makatatanggap ng P200,000 bawat isa at ang natitirang pito ay makatatanggap ng P50,000 bawat isa.

Maraming mga negosyante mula sa ibang bansa tulad ng Hapon ay interesado na tumulong sa produksyon ng e-trike kapag nakapili na ng pamantayang disenyo ang Department of Energy (DOE).

Ayon kay DOE Secretary Jose Rene Almendras, magkakaroon ng bidding para sa mga kumpanyang magkakainteres na bumuo nito kapag may nanalo na sa kanilang inilunsad na e-trike design contest.

Sa ipinanukalang e-trike ng DOE, magiging pagmamay-ari na ng mga driver ang kanilang minamanehong e-trikes matapos ang limang taon. Ayon kay Almendras, sa halip na boundary ay amortization ang babayaran ng mga tricycle drivers sa loob ng limang taon.

Aniya, naniniwala siya sa pagiging malikhain ng mga Pilipino kung kaya’t isinusulong nila ang e-trike design contest. Dagdag pa ng kalihim, inaasahan nila na ang e-trike ang magiging simula ng “Rural Utility Vehicles (RUV)” dahil traysikel pa rin ang pangunahing sasakyan sa mga lalawigan.

Batay sa guidelines ng E-Trike Design Contest, ang disenyo ay dapat nasa 2D o 3D CAD drawings. Dapat din na ang disenyo ay may kapasidad na hindi lalagpas sa anim na pasahero. Kinakailangan din na orihinal ang disenyo, ayon kay Atty. Jesus Anunciacion, OIC sssistant director Energy Utilization Management Bureau. Maaaring sumali ang mga Pilipinong may edad 18 pataas.

Sinabi ni Almendras na dahil sa bagong teknolohiya, mas mahaba na ang buhay ng baterya para sa E-trike. Kung dati rati ay nasa 1,000 cycles o charge lamang ang bateryang ginagamit sa e-trike, ngayon anya ay nasa 4,000 na. Ginagarantiyahan rin ito ng mga supplier, wika ni Almendras.

Ayon pa kay Almendras, ang disenyo para sa E-Trike design contest ay kailangang praktikal at umaayon sa pangangailangan ng bansa. Ang mga entries ay kailangang isumite, kasama ang nalagdaang Official Registration Form at duly notarized Oath of Ownership.

Ang deadline ng pagpapadala ng entries ay sa Pebrero 17, ika-4 na hapon. Maaari itong isumite ng personal o ipadala sa Nationwide E-Trike Design Contest, c/o Energy Utilization Management Bureau, Department of Energy Merritt Road, Fort Bonifacio, Taguig City 1201.

Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.doe.gov.ph o sa www.pia.gov.ph. (WLB/JSL PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines