Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Friday, 24 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Monday, January 23, 2012

Tagalog News: Pagtatanim ng kawayan suportado ng iba’t-ibang grupo sa Pampanga

BALER, Aurora, Jan. 23 (PIA) -- Sa magkasanib na pagpupulong ng iba’t-ibang sektor na ginawa sa Candaba, Pampanga, sumang-ayon ang lahat na susuportahan ang isang malawakang proyekto na pagtatanim ng kawayan.

Layunin ng proyekto na maiwasan ang pagguho ng lupa sa dike ng ilog at sa mga pangunahing dike sa Candaba.

Ang pagpupulong kamakailan na pinangunahan ni Among Mark Manabat, isang paring Katoliko, at dinaluhan ito ng mga local chief executives ng mga bayang malubhang naapektuhan ng mga nakaraang mga pagbaha.

Sinabi ni Manabat na ang pagtatanim ng kawayan ay magsisimula sa mga lugar kung saan nangyayari ang pagguho ng lupa upang iligtas ang mga residente mula sa nakaambang na panganib nito.

Dahil dito, hiningi ni Manabat ang tulong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa mga punla ng kawayan.

Ipinangako rin ni Candaba Mayor Jerry Pelayo na magbibigay ng mga punla ng kawayan para sa unang pagpapatupad ng proyekto.

Tinitingnan din ang pagtatanim ng kawayan bilang alternatibong mapagkukunan ng kabuhayan para sa mga residente. (WLB/JSL PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines