Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 22 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Monday, January 23, 2012

Tagalog News: PNoy pangungunahan ang groundbreaking ng $50M aviation academy sa Clark bukas

CLARK FREEPORT, Pampanga, Enero 23 (PIA) -- Pangungunahan ni Pangulong Benigno Aquino III bukas (Enero 24) ang groundbreaking ng $50 million na Philippine Academy for Aviation Training (PAAT) sa loob Clark Freeport.

Ang PAAT, na itatayo ng Cebu Pacific Air at Canadian firm na CAE, ay nakatakdang magbukas sa ikatlong bahagi ng 2012.

Sa isang pahayag, inilahad ni Cebu Pacific president and chief executive officer Lance Gokongwei na ang PAAT ay inisyal na nakalaan sa Airbus A319/320/321 series pilot type-rating training requirements at sa pagbibigay ng “wet” instructor-led type-rating training para sa kasalukuyan at bagong piloto ng kanyang airline.

May initial, recurrent, conversion, at jet indoctrination training din ito para sa ibang Airbus operators.

Ang state-of-the-art PAAT ay idedebelop sa pakikipagtulungan sa training facilities design team ng CAE. Ito ay pansimulang dalawang Airbus A320 FFSs at inaasahang madadagdagan ng dalawa pa sa loob ng anim na taon.

Sinabi pa ni Gokongwei na ang eskwelahan ay makakatulong mapabuti ang tourism at aviation potentials ng Pilipinas sa pamamagitan ng paghulma ng mga world-class na piloto at ito ay makakapag-ambag na rin sa umuunlad na aviation industry ng Asya-Pasipiko.

Bukod sa mga piloto, sasanayin din sa hinaharap ng akademya ang iba pang aviation workers tulad ng cabin crew at ground handling personnel. (WLB/CLJD-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines