Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 26 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Tuesday, January 24, 2012

Tagalog News: NEDA inaprubahan ang P13.3 bilyong patubig, mga proyekto sa pagbabago ng klima

BALER, Aurora, Jan. 24 (PIA) -- Inaprubahan ng Cabinet Committee ng National Economic and Development Authority (NEDA-Cabcom) ang patubig, mga proyekto sa pagkontrol ng baha at edukasyon sa pinagsamang halagang P13.27 bilyon.

Pinagtibay ng NEDA-Cabcom ang P7.05 bilyong Casecnan Multi-Purpose Irrigation and Power Project-Irrigation Component, Phase II (CMIPP-IC), ang P1.56-bilyong Umayam River Irrigation Project (URIP) at ang P4.66-bilyong Integrated Disaster Risk Reduction (DRR) at Climate Change Adaptation (CCA) Measures sa mga mabababang lugar ng Pampanga Bay Project.

Layunin ng CMIPP-IC Phase II na patuloy na magbigay ng patubig sa 20,321 ng kabuuang 37,200 ektarya ng mga bagong lugar sa mga bayan ng Muñoz, Guimba, Talugtog, Cuyapo sa Nueva Ecija at Anao, Ramos at Victoria sa Tarlac.

Nais rin nito na mapanatili ang suplay ng patubig sa 40,000 ektaryang sakop ng Upper Pampanga River Integrated Irrigation System.

Ang unang bahagi ng proyekto, na nakumpleto noong Disyembre 2008, ay pinakinabangan ng 16,879 na ektarya ng bagong mga lugar ng patubig.

Sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary Cayetano Paderanga na ang proyektong ito ay kaayon sa layunin ng Philippine Development Plan 2011-2016 upang mapabuti ang seguridad sa pagkain at mapataas ang kita ng kabahayan sa kanayunan sa pamamagitan ng makabagong agrikultura.

Tumatalima rin ito sa layunin ng Gitnang Luzon na gawing abot kaya ang pagkain at sapat sa loob at labas ng rehiyon.

Ang URIP naman ay isang medium-scale irrigation project na naglalayong magbigay ng suplay ng tubig sa mga lupaing agrikultural ng Adgaoan, La Paz at Umayam, Loreto sa lalawigan ng Agusan del Sur.

Kasama ito sa pagbuo ng overflow diversion dam sa buong Umayam River, isang network ng patubig na kanal, isang protection dike at nagpapabuti sa mga daanang tubig.

Bukod sa dalawang mga proyektong patubig, inaprubahan din ng NEDA-CabCom ang Integrated Disaster Risk Reduction (DRR) at Climate Change Adaptation (CCA) Measures sa mga mabababang lugar na sakop ng Pampanga Bay Project.

Layunin ng proyekto na mabawasan ang lawak, antas at tagal ng pagbaha sa mga bayan ng Sto. Tomas, Minalin, San Simon, Sasmuan, Apalit, Macabebe at Masantol sa Pampanga.

Mapagagaan ng proyektong ito ang mga kalagayan ng mga batang mag-aaral sa Pampanga at hindi magandang paligid na paaralan. Maaari na silang umasa sa isang mas mabuting hinaharap dahil maaari na nilang makumpleto ang kanilang edukasyon sa isang kapaligiran na kaaya-aya sa pag-aaral, wika ni Paderanga. (WLB/JSL PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines