Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 19 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Wednesday, January 25, 2012

Tagalog News: Alalahanin ang mga aral, sugat ng nakaraan - Binay

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 24 (PIA) -- Dapat maalala ng mga Pilipino ang mga aral at sugat na iniwan ng kasaysayan.

Ito ang mensahe ni Bise Presidente Jejomar Binay kahapon sa ika-113 anibersaryo ng Unang Republika ng Pilipinas na ginanap sa harap ng Simbahan ng Barasoain sa lungsod na ito.

“Noon tayo lamang ang tanging bansa sa Asya na may saligang batas, hanggang sa sinundan ito ng marami pang iba kung kaya kailangan lagi nating dala ang aral ng kasaysayan at ang pilat ng nakaraan,” ani Binay.

Inihalintulad din niya ang Simbahan ng Barasoain sa isang isla na tigib sa makukulay na bahagi ng kasaysayan bago at matapos ang pagkakatatag ng republika, ang itinuturing na pinakauna sa Asya, noong Enero 23, 1899.

Matatandaan na ang Kongreso ng Malolos ay pinasinayaan sa naturang simbahan kung saan ipinasa ang saligang batas ng Unang Republika ng Pilipinas. Dito rin itinalaga si Heneral Emilio Aguinaldo bilang unang pangulo ng bansa.

Kaugnay nito, nilinaw ni Gobernador Wilhelmino Alvarado na kahit sabay na ipinagdiwang ng bansa ang Chinese New Year, mahalaga rin ang Enero 23 dahil dito nakapagtatag ang mga Pilipino ng isang malayang bansa.

“Sa bisa ng Executive Order No. 322 ay idineklara ng ating Pangulong Noynoy Aquino na non-working holiday ang araw na Enero 23. Sa lalawigan ng Bulacan, ang araw na ito ay nakita rin na dapat nating bigyan ng pansin dahil sa tinatamasa nating kalayaan ngayon,” ani Alvarado.

Ipinaliwanag naman ni Ma. Serena Diokno, tagapangulo ng National Historical Commission of the Philippines, ang mahalagang bahagi ng nasabing araw para sa tagumpay ng mga bayani.

“Panindigan natin ang sambayanang Pilipino at ipaglalaban ang kalayaang magpasya para sa kanyang sarili at sa ikabubuti ng mas nakararami. Sa pamamagitan nito, binibigyan natin ng hustisya ang pagsusumikap ng mga bayani nating ninuno,” ani Diokno.

Dumalo rin sa pagdiriwang si Cesar Virata, apo ni Aguinaldo at tagapangulo ng Cavite Historical Society, kabilang ang mga lokal na opisyal ng Bulacan. (CLJD/VFC-PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines