Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 16 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Wednesday, January 25, 2012

Tagalog News: Pagpapabuti ng national road sa Bulacan, aprubado na ng RDC 3

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, Pampanga, Enero 25 (PIA) -- Inaprubahan na ng Regional Development Council (RDC) ng Gitnang Luzon ang resolusyon na nag-e-endorso sa panukalang Bigaa-Plaridel national road upgrade project sa Bulacan.

Sa isang pahayag, sinabi ng RDC 3 na ang planong pagpapabuti ay inaasahang magpapabilis sa daloy trapiko at magpapalago sa bilang ng mga turistang bumibisita sa lungsod ng Malolos na kilala sa napakaraming historical landmarks gaya ng Barasoain Church kung saan itinatag ang unang republika ng Pilipinas.

Ang proyekto ay binubuo ng tatlong bahagi. Una, ang pagpapalawak, pagpapabuti at pagpapaganda ng Paseo Del Congreso, pangalawa ang konstruksyon ng Plaridel-Malolos toll booth at panghuli ang pagpapalawak at pagpapabuti ng Malolos section ng Bigaa-Plaridel road.

Sinabi pa ng RDC na ang Paseo del Congreso, kung saan matatagpuan ang Barasoain, ay palalawakin sa 15 metro mula sa kasalukuyang siyam na metro.

Magkakabit din ng mga pusturiyosong street lights at maglalagay ng drainage canal sa nabanggit na daanan.

Ang rehabilitasyon ng Paseo ay tinatayang nagkakahalaga ng P213 milyon at P228 milyon piso batay sa dalawang alternative programs of work ng Department of Public Works and Highways.

Samantala, ang panukalang toll booth ay magbibigay ng direct access sa mga tiga-Plaridel, Malolos at mga kalapit na bayan sa North Luzon Expressway (NLEX).

Sa kabilang banda, ang pagpapalawak at pagpapabuti ng Malolos section ng Bigaa-Plaridel road ay inaasahang makakalutas sa traffic congestion sa Daang Maharlika na kilala rin sa bansag na Cagayan Valley Road.

Ang RDC 3 ang pinakamataas na policy-making body sa Gitnang Luzon na nagsisilbing counterpart ng NEDA Board sa subnational level.

Kabilang sa mga miyembro nito ang lahat ng gubernador, city mayors, municipal mayors ng mga kabiserang bayan, pangulo ng mga municipal mayors league, regional directors ng mga national government agencies at mga kinatawan ng pribadong sektor.(WLB/CLJD/PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines