Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 8 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Wednesday, January 25, 2012

Tagalog News: ‘Knowledge Exchange Center,’ bubuhayin ng DSWD

BALER, Aurora, Enero 25 (PIA) -- Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Corazon Juliano-Soliman na bubuhayin ng ahensiya ang “Knowledge Exchange Center (KEC)” nito ngayong araw, Enero 25.

Makikiisa sa hepe ng DSWD sa seremonya ng paglulunsad ang mga kinatawan mula sa World Bank, kasapi ng akademya at iba pang mga opisyal ng DSWD.

Bukas sa publiko ang KEC, na matatagpuan sa ika-apat na palapag ng DSWD Central Office sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Sinabi ni Soliman na ang KEC ay resulta ng mga pagsisikap ng DSWD upang patatagin ang pamamahala ng isang sistema ng kaalaman na naglalayong palakasin at isulong ang palitan ng kaalaman sa mga stakeholders at nakatuon patungo sa pagtaas ng produksiyon at kahusayan.

Itinatag sa pamamagitan ng tulong mula sa World Bank, ang KEC ay isang interactive repository (interaktibong lunan) ng mahahalagang kaalaman sa pangangalagang panlipunan, kabilang ang database ng DSWD.

Kabilang sa mga pasilidad nito ang isang conference room na may multimedia equipment, home TV theater, mga computer at scanner para ma-access ang impormasyon at kaalaman, web portal at physical library na may Online Public Access Catalog.

“The strengthening of knowledge exchange in the DSWD is an important step towards increased efficiency and capacity to support the expansion of our poverty reduction projects (Ang pagpapalakas ng palitan ng kaalaman sa DSWD ay isang mahalagang hakbang patungo sa dagdag kahusayan at kakayahan upang suportahan ang pagpapalawak ng ating mga proyekto sa pagbabawas ng kahirapan),” wika ni Soliman. (WLB/JSL PIA 3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines