PIA Press Release Wednesday, January 25, 2012Tagalog News: Nueva Ecija, sasabak sa Regional Skills CompetitionSAN ISIDRO, Nueva Ecija, Enero 25 (PIA) -- Sasabak muli sa Central Luzon Regional Skills Competition ngayong linggo ang ilang mga skilled workers ng Nueva Ecija para patunayan ang kanilang technical skills (kakayahang teknikal).Tiwala si Dr. Rey Arimbuyutan, pangulo ng Nueva Ecija Association of Technical Vocational Institution, na malaki ang pagkakataon ng lalawigan na makakuha ng parangal sa pangrehiyong kumpetisyon. "Yung national champion sa manual drawing, sa atin galing," sabi ni Dr. Arimbuyutan. Bukod sa pagwe-welding, fashion design at cooking, sinabi ni Arimbuyutan na maraming potensyal sa Information Technology gaya ng web design at AUTO CAD ang mga kalahok na Novo Ecijano. Sang-ayon dito si Nueva Ecija Technical Education Skills and Development Authority Director Luz Victoria Amponin, kasabay ng pagsasabi na ang kumpetisyon na gaganapin mula ika-25 hanggang ika-26 ng Enero ay magiging demonstrasyon ng kahusayan ng mga paaralang pang-teknikal ng lalawigan. Tiwala din si Amponin na hindi lang sa kumpetisyon mahusay ang mga pambato at ng mga sinanay na mangagawa ng Nueva Ecija kundi pati sa pagganap ng kanilang mga trabaho sa kani-kanilang mga kumpanya. (WLB/LDRP/PIA-3) |