Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 8 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Wednesday, January 25, 2012

Tagalog News: Girl Scouts ng Nueva Ecija, hinikayat na tumulong sa kampanya kontra karahasan sa mga kababaihan

PALAYAN CITY, Nueva Ecija, Enero 25 (PIA) -- Hinimok ng mga lider ng Girl Scouts of the Philippines (GSP) ang mga batang iskawt na alamin ang kanilang karapatan upang makatulong sa pandaigdigang kampanya kontra karahasan laban sa mga kababaihan.

Sa pagbubukas ng ika-55 Junior and Senior Provincial Encampment sa Fort Magsaysay sa syudad na ito, sinabi ni GSP Council President Eufrocina Serenilla na malaki ang magagawa ng mga batang iskawt at ng kanilang mga pamilya upang maimpluwensiyahan ang mga awtoridad na gumawa ng mga hakbang tungkol sa proteksyon ng mga kababaihan sa kanilang kumunidad.

Mahigit sa 1,800 batang iskawt mula sa elementarya at hayskul ang kasalukuyang lumalahok sa kamping sa Fort Magsaysay na magtatapos sa Biyernes.

Para naman kay GSP Camp Director Rachel Agasen, dapat matutunan ng mga batang babae kung ano ang mga katanggap-tanggap na pakikisalamuha ng mga nakakatanda sa mga bata.

Hinikayat ni Director Agasen ang mga batang babaeng iskawt lalo na yung mga nasa high school na magsumbong sa magulang at sa mga pinagkakatiwalaang nakakatanda kung sa pakiramdam nila ay nababastos ang kanilang pagkatao tulad ng sexual harassment at pagmamaltrato sa kanila.

Isa pang uri ng karahasan sa mga kabataang babae, para kay Director Agasen, ay ang pagbibigay sa batang babae ng mga mabibigat na gawain na hindi akma sa edad at mapanganib sa kanyang kalusugan.

Para sa iba pang mga aktibidad ngayong linggo sa kamping, magkakaroon ng swimming at slogan making competition ngayong Miyerkules. Susundan ito ng Cookfest sa Huwebes, Enero 26, na tinaguriang Pistahan sa Kagubatan kung saan magluluto ang mga batang iskawt ng iba't ibang putahe alinsunod sa kabihasaan ng kanilang bayan. (WLB/LDRP/PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines