Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 19 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Wednesday, January 25, 2012

Tagalog News: Phoenix, kampeyon sa NECBL 1st season

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Enero 25 (PIA) -- Matagumpay na naiuwi ng Nueva Ecija University of Science and Technology (NEUST) Phoenix ang kampeyonato para sa kauna-unahang Nueva Ecija Collegiate Basketball League (NECBL).

Sila ay nagkamit ng tropeo at cash award na nagkakahalaga ng P50,000.

Tinalo ng Phoenix ang Green Cobras ng Central Luzon State University (CLSU) sa iskor na 66-59.

Pinangunahan ni Alvin Cabigting, star player ng Phoenix, ang huling pagtatapat nila ng Green Cobra sa huling round. Si Cabigting ang tinanghal na Most Valuable Player (MVP) ng liga na binigyan ng tropeyo at P10,000 bilang gantimpala.

Kabilang din si Cabigting sa Mythical Five ng NECBL kasama sina Emil Renze Palma at Manny Julian, Jr. mula sa Phoenix at Edrian Gallardo at Alex Lee mula naman sa Green Cobra.

Bawat isa sa kanila ay nagkamit ng medalya at P3,000.

Nakatanggap naman ng tropeyo at P30,000 ang Central Luzon State University (CLSU) Green Cobra na tinanghal na 1st runner-up ng liga.

Samantala, nasa plano na ng pamahalaang panlalawigan ang pagdagdag ng iba pang laro upang maging malawak ang sakop ng NECBL na nakatakdang muling buksan sa dadating na Agosto.

Ang NECBL ay isang youth at sports development project ng pamahalaang panlalawigan sa pangunguna ni Governor Oyie Umali kasama sina Vice Governor GP Padiernos, Congresswoman Cherry Umali at Board Member Anthony Umali. (WLB/CN/PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines