Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Saturday, 14 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Wednesday, January 25, 2012

Tagalog News: NE Provincial Training Center, nagkakaloob ng libreng skills training para sa Novo Ecijanos

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Enero 25 (PIA) -- Sinisikap ng Nueva Ecija Provincial Training Center (PTC) na magsanay ng mas maraming Novo Ecijano upang lumaki ang kanilang tsansang makakuha ng trabaho.

Ayon kay Samuel Mangusig, hepe ng Training Department ng PTC, umaabot ng 85 porsyento ang nadedeploy nilang mga trainee.

Sa ngayon, sinabi ni Mangusig na pinipilit ng kanilang tanggapan na maabot ang 100 porsyento ng kanilang mga trainees ang makakuha ng trabaho matapos ang pagsasanay.

Target ng PTC na matulungan hindi lang ang mga hindi nakapagtapos ng pag-aaral, kundi pati ang mga hindi nakakuha ng pormal na edukasyon.

Kasangga ng PTC ang Technical Educaton and Skills Development Authority (TESDA) sa pagtulong sa mga mamamayang nais magkaroon ng vocational skills.

Ang PTC ay mayroong regular program at short- term courses na pwedeng pagpilian.

Kabilang sa mga kursong itinuturo ay ang shielded metal art welding training, electronics, automotive at training methodology.

Para sa short term, mapagpipilian ang mga sumusunod na pag-aaral sa driving, electrical, refrigeration at air conditioning at welding. (WLB/CN/PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines