Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Wednesday, 22 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Wednesday, January 25, 2012

Tagalog News: Website ng DSWD pinuri sa pagiging 'disabled-friendly'

BALER, Aurora, Jan. 25 (PIA) -- Sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Corazon “Dinky” Juliano-Soliman na pinuri ng Philippine Web Accessibility Group (PWAG) ang www.dswd.gov.ph., ang website ng ahensiya, sa pagiging "friendly" o madaling ma-access ng mga taong may kapansanan.

Sinabi ni Soliman na binigyan ng mataas na marka ng PWAG ang website ng DSWD para sa pagpasa ng mga mungkahing tinukoy sa ilalim ng pitong punto ng Maturity Stage One Checkpoints, kabilang ang pagsasama ng "Alt text" sa bawat imahe, ang paggamit ng "descriptive links" at Accessibility Statement Page.

Sinabi rin ng grupo na ang website ng DSWD ay nakapasa din sa karamihan ng puntos na nakalista sa Maturity Stage Two Checkpoints, kung saan kasama ang karagdagan ng “Skip to Content” link, sitemap, home link sa bawat pahina, ang laki ng font na may kinalaman sa mga yunit, at ang paggamit ng standard access keys.

Sinabi ng PWAG na ang DSWD ay kwalipikado na ngayong tumanggap ng award na ibinibigay ng National Council on Disability Affairs (NCDA) at ang National Computer Center (NCC) bilang “Disabled Friendly Website.”

Kinikilala nila ang mga pagsisikap na ginawa ng DSWD na sumunod sa mga alituntunin ng web accessibility at hinihikayat ang ibang mga ahensiya ng pamahalaan upang gumawa ng kanilang websites na mapupuntahan ng publiko, kasama ang mga taong may kapansanan.

Ang pagkilala ay kasabay ng paglulunsad noong ika-20 ng Enero ng mga taong may kapansanan-na ang website ng DSWD ay mapupuntahan, na bahagi ng isang buwang anibersaryo ng pagdiriwang ng ahensiya sa buwang ito.

Gayundin, bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo ay ang pagsasagawa ng ICT fair at exhibit pati na ang serye ng lecture-forum upang taasan ang kamalayan at pagpapahalaga sa pinakabagong usong teknolohiya sa information communication, makabagong-likha at mga isyu na ginanap sa DSWD-Central Office mula Enero 16-20. (WLB/JSL/PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines