Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 27 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Thursday, January 26, 2012

Tagalog News: 10 Milyong puno itatanim ng PNP kontra climate change

BALER, Aurora, Jan. 26 (PIA) -- Bilang pangunahing tagapagpatupad ng batas sa bansa, magtatanim ang 140,000 kapulisan ng Philippine National Police (PNP) ng 10 milyong puno sa buong kapuluan bilang bahagi ng kanilang ambag upang labanan ang ‘climate change’ o ang pagbabago ng klima.

Sinabi ni Director General Nicanor A. Bartolome, ang hepe ng PNP, na isasagawa ang pagtatanim ng puno sa mga susunod na pitong buwan.

Sa kautusan, sinabi ni Bartolome na ang bawat pulis ay dapat magtanim ng hindi bababa sa sampung puno.

Ayon kay Bartolome, ang proyekto ay naglalayong lampasan ang 10 milyong marka sa pakikilahok ng mga pamilya ng mga tauhan ng PNP, ang mga non-government organizations (NGOs) na accredited ng PNP, local government units (LGUs), at mga boluntaryong mamamayan bilang force multipliers (tagapagparami ng lakas).

Ang proyektong pagtatanim ay bilang suporta sa National Climate Change Action Plan (NCCAP) ng Climate Change Commission sa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo.

Sinabi ng tagapagsalita ng PNP na si Chief Supt. Agrimero A. Cruz Jr., na inatasan ang mga Police Regional Offices upang ituro ang lupa ng pamahalaan para sa reforestation sa pakikipag-ugnayan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at LGUs.

“Planting trees is the PNP’s own little way of helping mitigate the effects of climate change to our environment. After all, the PNP is not only Maka-Diyos, Makabayan and Makatao, we are also Maka-kalikasan (Ang pagtatanim ng mga puno ay maliit na paraan ng PNP sa pagtulong na mapagaan ang mga epekto ng pagbabago ng klima sa ating kapaligiran. Hindi lamang maka-Diyos, makabayan at makatao ang PNP, tayo ay maka-kalikasan din),”aniya.

Nadama ng sangkatauhan ang mga epekto ng pandaigdigang pag-init sa klima na nakaapekto sa balanse ng ekolohiya sa mga panglipunang pagbabago dahil sa pagtaas sa pandaigdigang temperatura sa nakalipas na ilang dekada.

Kasama sa pagbabago ng klima ay ang tumataas na lebel ng dagat sa buong mundo bilang simula sa walang habas na pagsira ng tao sa mga kagubatan na nagresulta rin sa walang katulad na mga pagbaha na sinlaki ng mga bagyong “Sendong” at “Ondoy” na naranasan ng bansa sa nakalipas na dalawang taon na kumitil sa libu-libong buhay. (WLB/JSL/PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines