Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Monday, 20 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Thursday, January 26, 2012

Tagalog News: Nueva Ecija, magtatayo ng sariling IT center

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Enero 26 (PIA) -- Magkakaroon ng sariling Information Technology (IT) Hub ang Nueva Ecija sa hinaharap.

Ito ang kinumpirma ni Governor Aurelio Umali sa media matapos na mapabendisyunan ng Nueva Ecija Provincial Police Office ang kanilang bagong covered court.

Ayon kay Umali, kasalukuyang binubusisi at pinag-aaralan ng Sangguniang Panlalawigan ang naturang panukala, ngunit tiwala ang Gobernador na mauumpisahang maisakatuparan ito sa darating na Pebrero.

Ang panukalang IT Hub ay binabalak na itayo sa Old Capitol Grounds sa Cabanatuan City.

Umaasa si Governor Umali na maipapatupad ang proyekto sa loob ng 2012.

Sa kabilang banda, napag-alaman sa Nueva Ecija Association of Technical Vocational Institutions (NEATVI) at sa Technical Education and Skills Development Authority-Nueva Ecija, na maraming Novo Ecijano ang nagpapakadalubhasa sa larangan ng IT.

Karamihan ay nakapag-aral o nag-aaral ng graphic designs, AutoCAD, web designs at iba pang katulad na kursong teknikal.

Dahil dito, tiwala ang NEATVI at TESDA na hindi mapapahiya ang lalawigan sa mga kumpanya o negosyanteng nag-iisip na mamuhunan sa lalawigan dahil maraming silang makukuhang mga manggagawang Novo Ecijano na may espesyalisasyon sa IT.

Ilan sa mga mahuhusay na IT workers ng lalawigan ay kasama sa Central Luzon Regional Skills Competition na kasalukuyang idinaraos sa Bulacan. (WLB/LDRP/PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines