Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Sunday, 26 May 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Thursday, January 26, 2012

Tagalog News: DepEd at Bulacan, magtutulong para sa pagpapatayo ng 2,000 silid-aralan

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 26 (PIA) -- Matapos ang isinagawang pagdiriwang ng ika-113 anibersaryo ng unang Republika ng Pilipinas sa lalawigan nitong Lunes, Enero 23, naging mas lalong makabuluhan ang nasabing araw makaraang isagawa ang paglalagda ng memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng Department of Education (DepEd) at ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan para sa pagpapatayo ng 1,942 silid-aralan sa mga pampublikong paaralan sa lalawigan.

Sa pangunguna ni Education Secretary Armin Luistro at Gobernador Wilhelmino M. Sy-Alvarado nilagdaan ang kasunduan para sa pagtatayo ng 1,942 silid aralan upang punan ang kakulangan sa mga classrooms sa mga pampublikong paaralan.

Ayon kay Luistro, sa 200 pagbisita niya sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa bansa ay nakita niya ang malaking suliranin ng kalagayan ng mga silid-aralan.

“Sa pamamagitan ng ganitong hakbangin, nakasisiguro tayo na ang ating mga mag-aaral ay makakamit ang kung ano ang kanilang nais marating sa pamamagitan ng mga bagong silid-aralan at pasilidad na pang-edukasyon. Nakita ko rin ang dedikasyon ng ating mga guro at ang pagnanais ng mga mag-aaral na matuto. Kinakailangan lamang na madala natin ang mga pangangailangan nila tulad ng silid-aralan at pasilidad pang-edukasyon,”ani Luistro.

Nanawagan pa ang kalihim sa mga halal opisyal na isantabi muna ang pulitika at magkaisa upang harapin ang hamon na makapagbigay ng mataas na kalidad ng edukasyon at mapabilis ang pagpapatupad ng nasabing proyekto.

Sinabi naman ni Alvarado na sa pamamagitan ng kasunduang ito, makalalaya ang ating mga kabataan sa pagkaalipin ng kahirapan at kamangmangan dahil matutugunan na ang malaking kakulangan sa mga silid-aralan para sa ating mga mag-aaral.

Dagdag pa niya na nagpapasalamat ang mga Bulakeño kay Pangulong Benigno S. Aquino III para sa nasabing proyekto.

Ayon sa kasunduan, mula sa 1,942 silid-aralan na itatayo sa mga pampublikong paaralan, 971 mula rito ay ipatatayo ng pamahalaang panlalawigan at tutumbasan naman ng DepEd ang bilang na ito.

Ang naturang paglalagda ng kasunduan ay sinaksihan ng mga opisyal ng paaralan, mga guro at lokal na opisyal. Dumalo rin ang mga kinatawan ng bawat distrito gayundin ang mga punong lungsod at bayan ng lalawigan. (CLJD/VFC/PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines