Presidential Communications Operations Office



  PIA Bldg, Visayas Ave, Diliman, Quezon City, Philippines
  Tuesday, 10 December 2019 News Before 1 Feb 2012. Click for Latest
Web PIA  
 
home
 
about
 
fotos
 
info
 
links
 
ncrr01carr02r03calmimr05r06r07r08r09r10r11r12r13
Region R03 Submenu
Latest News
News Headlines
Foto Releases
One Luzon
Special Issues
Central Luzon Region

PIA Press Release
Thursday, January 26, 2012

Tagalog News: TESDA naglaan ng P1 bilyon sa training-to-employment program

ni Vinson F. Concepcion

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan, Enero 26 (PIA) -- Naglaan ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng P1.1 bilyon para sa scholarship program nito na magbibigay ng agarang trabaho sa 45,500 estudyante sa kanilang pagtatapos.

Sa pagbubukas ng Central Luzon Regional Skills Competition dito kahapon, sinabi ni TESDA Director General Joel Villanueva na P500 milyon ang gagamitin para sa training program sa business process outsourcing kung saan 65,000 estudyante ang makapapasok.

Aniya, 70 porsiyento nito o 45,500 estudyante ang awtomatikong kukunin ng mga call center na nagpamalas ng malaking pag-unlad sa bansa at patuloy na kumukuha ng mga bagong gradweyt at walang trabaho.

“Hindi dapat matahin o maliitin ang mga technical at vocational student. Mas madaling makakuha ng trabaho kung tapos ka ng TESDA kaysa two-year course,” ani Villanueva.

Ang natitirang P600 milyon ay nakalaan para sa training program sa turismo, semiconductor, agrikultura at konstruksyon.

Idinagdag ni Villanueva na tumaas ang bilang ng mga gradweyt ng TESDA na nakakuha na ng trabaho sa ilalim ng administrasyong Aquino mula 20 porsiyento hanggang sa 55 porsiyento ngayon.

Umaasa umano siya na tataas pa ang bilang na ito sa 60 porsiyento ngayong taon.

Nang tanungin kung ano ang magiging papel ng TESDA hinggil sa bagong K+12 model ng Department of Education, sinabi ng dating kongresista na mas madaling makahahanap ng trabaho ang mga estudyante kung magtatapos din sila ng kursong teknikal.

“Mababa ngayon ang passing rate sa mga licensure exam. Saan kukuha ang iba ng trabaho? Kulang sa educational background ang mga mag-aaral para makakuha ng trabaho. Dito papasok ang TESDA,” ani Villanueva.

Batay sa mga tala, may 564,000 gradweyt noong 2011 ang walang hanapbuhay. Sila ay parte ng 2.9 milyong Pilipino na may kakayahang magtrabaho ngunit walang hanapbuhay. (CLJD/VFC/PIA-3)

 
Latest Stories
  • Tagalog News: Libreng operasyon sa mata, ipagkakaloob sa mga may katarata, pugita (R03)
  • DOH gives free cataract operation to Bulakeños (R03)
  • Tagalog News: ‘A Day of Prayer,’ isinagawa sa Bulacan (R03)
  • ‘A Day of Prayer’ for Bulacan’s future (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 patuloy na tumatanggap ng mga nominasyon para sa 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • CSC 3 continues to accept nominations for the 2012 Search for Outstanding Public Officials and Employees (R03)
  • San Fernando to celebrate 11th Cityhood anniversary (R03)
  • Information saves lives (R03)
  • Tagalog News: Kabataang lumabag sa curfew, dadalhin sa Kanlungan Center (R03)
  • Youth curfew violators to stay overnight in Kanlungan Center (R03)
  • PNoy proclaims Feb. 3 a holiday in Bulacan (R03)
  • Tagalog News: Peb. 3, idineklara ni PNoy bilang isang non-working day sa Bulacan (R03)
  • Tagalog News: 7th ID Commander, may bagong misyon sa Western Visayas (R03)
  • 7th ID Commander gets new assignment in Western Visayas (R03)
  • Tagalog News: CSC 3 tumatanggap na ng mga aplikasyon para sa unang Career Service Paper and Pencil tests ngayong taon (R03)

    Philippine Official Gazette | Office of the President | Presidential Communications Operations Office
    For comments and feedback, please email PIA Newsdesk
    Copyright © 2005 Philippine Information Agency
    PIA Building, Visayas Avenue, Diliman, Quezon City 1101 Philippines